Una sa Balita

Ehersisyo kontra sapola

0 288

Buhay sabong

KAPAG hinahanda ang manok panabong sa laban ay sinisiguro ng handler na wala itong sapola dahil ayon sa mga beteranong mananabong ay mas mainam maglaban nang wala nito.

Ang sapola ay taba ng manok sa parteng puwitan, nagkakaroon sila nito kapag ‘di nasusunog ang protina na galing sa ipinapatuka ng nag-aalaga.

‘Di masyadong makakilos ng maganda ang mga warrior kapag may sapola, medyo atrasado ang pihit, mabagal at mabigat ang katawan.

Para maiwasan ang sapola dapat balanse ang nutrisyon, katamtaman lang ang ratio ng mga grain at pellet sa pakain o kaya paarawan at i-excercise sila.

“Ang manok ay parang tao, kailangan ding mag-ehersisyo upang ‘di bumigat ang kanilang katawan at mapanatili ang kalusugan,” bulalas ni Rey Cardiz, isang beteranong sabungero mula sa Tarlac.

Ayon pa sa kanya, para madaling malaman kung may sapola ay dapat i-trim ang puwitan ng manok.

“Mas maganda kung um-attend sila ng seminar para magkaroon sila ng idea lalo na sa conditioning,” panapos ni Cardiz.

(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy