Una sa Balita

Edwards kakabayo sa 3 tore ng San Miguel

By
0 2,606

TINAPIK ng Ginebra bilang reinforcement si Shane Edwards para i­sagupa sa import-­laden PBA Commissioner’s Cup.

Topnotcher ang crowd favorites pagkatapos ng eliminations sa 9-2 at twice-to-beat sa quarterfinals, kinuha sa isang bigwasan lang ang GlobalPort. Gayunman, sinipa ng TNT KaTropa ang Gin Kings sa semifinals, 3-1.

Nasubukan na ni Edwards ang larong PBA, kinuha ng Alaska noong 2016 Commissioner’s Cup bilang stand-in import kahalili ng noo’y injured na si Rob Dozier. Kasama si Edwards, sa 10 laro ay may 6-4 win-loss record ang Aces.

Mababa ng 2 ­inches sa height limit na 6-feet-10 si Edwards, 30, naglaro ng college basketball sa Northeastern JC at Little Rock at undrafted noong 2009 sa NBA.

Masipag sa loob si ­Edwards, pero matatapat sa mas malalaking players sa pangunguna ng triple towers ng San Miguel Beer na sina June Mar Fajardo, parating na si 2017 top pick overall Fil-German Christian Standhardinger at import Troy Gillenwater.

Matapos ang stints sa Italy at Australia, binigyan siya ng 10-day contract ng Cleveland Cavaliers noong Marso 2014.