Una sa Balita

Edward super kilig sa ‘I love you’ ni Maymay

By
0 3,448

Nagsimula lang sa pag-translate ng salitang ‘ich liebe dich’ ang lahat. Na sa English nga ay ‘I love you’.

Sa isang segment ng ASAP ay nagpapatalbugan sina Maymay, Edward Barbers, Darren Espanto sa iba’t ibang lengguwahe.

At ‘yun na nga, chinicka ni Maymay ang ‘ich liebe dich’ na nu’ng tinanong ni Darren kung ano ang ibig sabihin, sinagot ni Maymay nang nakaharap kay Darren na ‘I love you’.

Eh, biglang nakaramdam ng selos ang Edward, at tinanong si Maymay kung bakit siya nag-a-I love you kay Darren. Pero, hiriti ni Maymay, na biglang humarap kay Edward, ‘Ang sabi ko, I love you.’

At ‘yun na nga, nagtilian na ang mga tao sa paligid na kilig na kilig. Buking na buking si Maymay na love na nga niya si Edward.

At si Edward, tuwang-tuwa naman na nakikita at naririnig niya si Maymay na sinasabihan siya ng ‘I love you’ nang harap-harapan, ha!

Well…