Una sa Balita

Edward, Maymay, Piolo, JM nagpaligaya ng mga batang inabuso

0 141

abante-paistaran-dondon-sermino
Pinangunahan nina Piolo Pascual, JM De Guzman, Maymay Entrata, at Edward Barber ang mga Star Magic artist na sumalubong at nagbigay-saya sa mga bata sa mu­ling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village noong Disyembre 1 sa Norzagaray, Bulacan.

 

May edad tatlo hanggang 16 ang mga batang ipinasok sa Children’s Village na itinatag noong 2003 bilang pansamantalang tahanan ng mga biktima ng pang-aabuso o pag-aabandona na sinaklolohan ng Bantay Bata 163.

Dito sila ay inaaruga, minamahal, at tinutulungang gumaling mula sa kanilang mga sakit at trauma.

Ginanap ang pagbubukas kasabay ng pagbisita doon ng Star Magic Gives Back na proyekto ng primerong talent agency ng bansa, kung saan dumarayo ang mga artista at staff nito sa iba-ibang institusyon tulad ng Bantay Bata 163 para magbigay ng maagang Pamasko. Sa Children’s Village, nakasama nina Piolo, JM, Maymay, at Edward ang iba pang Star Magic artists na sina Ysabel Ortega, Sharlene San Pedro, Vivoree Esclito, Heaven Peralejo, Enzo Pineda, Ivana Alawi, Eric Nicolas, Gerhard Acao, Luis Hontiveros, Alex Castro, Yasmyne Suarez, Luke Alford, John Bermundo, Karl Gabriel, at Mark Rivera sa pakikipag-bonding sa mga bata.

 

Sabi ni Piolo, magandang pagkakataon ito upang magpakita ng malasakit sa kapwa at magbigay din ng magandang halimbawa sa iba.

 

“Importanteng gamitin natin ‘yung pangalan natin, ‘yung influence natin. Ikaw ang magli-lead ng way na susundan ng mga nakababata sa ‘yo. Sa tingin ko malaki ang nagagawa ng pag-welcome natin sa kanila kasi pinaparamdam mo sa kanila na hindi sila nag-iisa at mayroon silang kasama sa buhay,” aniya.

 

Ang loveteam naman na sina Maymay at Edward, nangakong tutulong sa mga proyekto ng Bantay Bata 163.

 

Una nang tumulong ang higit 300 artista ng Kapamilya network sa pagbubukas ng Children’s Village sa ABS-CBN Ball 2018, kung saan nabigyan ng atensyon ang problema sa child abuse at nakalikom rin ng donasyon. Ito at ang iba pang suportang natanggap ng Bantay Bata 163 mula sa mga indibidwal at organisasyon tulad ng Quezon City local government sa pamumuno nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang ipinantutustos sa Children’s Village.

 

Muling nagpasalamat ang Bantay Bata 163 program director na si Jing Castañeda-Velasco sa pakikiisa ng mga artista sa kanilang adbokasiya sa kabila ng kanilang mga trabaho.
“Hindi iba ang Star Magic sa pagtutupad ng mga pangarap, tulad ng nagawa nito sa mga nadiskubre nitong mga talento na ngayon ay mga pinakasikat na pa­ngalan sa industriya. Lubos kaming nagpapasalamat na makatulong sila sa aming adhikain na maayos ang buhay at masuportahan ang mga pangarap ng mga susunod henerasyon,” sabi niya.

 

Sa mga nais mag-donate, volunteer, o makilahok sa mga aktibidad ng Bantay Bata 163, tumawag lang sa 1-6-3 hotline, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o maghulog sa mga Bantay Bata 163 can.

 

 

Honestbee iwas trapik ngayong Pasko

 

 

Wala ka bang oras para mag-shopping? Takot makipagsabayan sa traffic? Ilang araw na lang at Pasko na at isa sa pinaghahandaan ng bawat Pinoy ay ang Noche Buena at Media Noche, family get-togethers, holiday reunions at Christmas parties!

 

May good news ang CDO!

 

Makakabili na ng mga CDO Christmas products sa online sa pamamagitan ng Honestbee.

 

At dahil sa partnership ng CDO at Honestbee, siguradong ang mga CDO favorites tulad ng CDO Christmas Treasures, CDO Premium Holiday Ham, CDO Pista Ham, CDO Jamon de Bola, CDO Pear-Shaped Ham, Danes Cheese Ball, Danes Classic Cheese, Danes Mayo Dressing at CDO Sweet Preserves ay made-deliver na sa inyong mga tahanan at garantisadong mas magiging masaya at magaan ang Kapaskuhan.

 

Sa isang simpleng pag-click online, tuloy na tuloy ang mga Filipino tradition ng paghahain ng mga Christmas food tulad ng ham at queso de bola tuwing Noche Buena at Media Noche. At sa pakikipag-partner sa Honestbee, CDO has guaranteed an online delivery that is not just dependable but also easy to navigate.

 

Perfect para sa mga busy mothers, yuppies at mga millennial alike, na mas madalas, naka-depende talaga sa online shopping. Honestbee completes the convenience by delivering the goods ­ordered online.

 

Bukod dito, sinisigurado rin ng CDO para sa kanilang kauna-unahang online store sa Honestbee App na ang CDO Christmas Selection by CDO Food Store ay fresh at direct mula sa CDO Food Stores na ihahatid ng Honestbee couriers.

 

And as expected, kapag mula sa CDO ay may iba’t ibang high quality products na ma-e-enjoy hindi lang tuwing Kapaskuhan pero sa araw-araw.

 

So, start clicking now and shop at CDO Christmas Selection by CDO Food Store now. Don’t forget to add the products to your Honestbee cart!