Una sa Balita

Edukasyon: Sangkap para mabago ang kinabukasan

By
0 40

Napakarami na na­ting kuwentuhan tungkol sa mga proyekto natin sa A­ngat Buhay. Iba-iba ang paraan na ginagamit natin para mabigyan ng bagong bukas ang ating kababayang nasa laylayan.

Sa mga mode of engagement na education, rural development, food security and nutrition, women empowerment, universal healthcare, housing and resettlement, at disaster res­ponse and rehabilitation ng Angat Buhay, hindi bababa sa P252 million na halaga ng tulong ang naihatid na natin sa ating kababayan hanggang nitong Hunyo.

Patuloy ang pagtatrabaho natin sa pamumuno ni VP Leni Rob­redo. Sa kabila ng kung ano-anong mga isyu, nakatuon pa rin tayong tulungang makabangon mula sa kahirapan ang mga nasa pinakamalalayo, pinakamaliliit, at pinakamahihirap na sulok ng ating bansa.

Noong Pebrero, dumalaw si VP Leni sa Bagupaye National High School at Pakiing National High School sa Mulanay, Quezon kasama ang mga Angat Buhay partner. Dala-dala namin ang iba’t ibang school equipment at materials na makatutulong sa dalawang paaralan para makasabay sa K-12 program ng ating gobyerno.

Malaking adjustment ang K-12 program lalo na para sa mga maliliit at mahihirap na paaralan sa ating bayan. Hindi lahat ay may kakayahang makabili ng mga equipment at mater­yales na gagamitin ng mga estudyante.

Kaya sinisigurado ni VP Leni na isa ito sa mga tinututukan ng Angat Buhay.

“We have started to work with the academe through Angat Buhay in Schools,” sabi ni VP Leni.

“We partner with various universities, not just in Manila but across the entire archipelago, to deliver basic services to their adopted communities. Through these initiatives, students and teachers are given the opportunity to work with private organizations in finding better ways to solve issues at the local level,” dagdag niya.

Noong bumisita sa Quezon, may kasama ring chef na nag-lecture at nag-demo para mahikayat ang mga estudyanteng mag-aral ng culinary arts. Sa panahong iyon, namili din ang mga Angat Buhay partner ng mga scholar na sasabak sa isang culinary program.

Sa proyektong ito ng Angat Buhay kasama ang Ramesh Trading Corporation, the Center for Asian Culinary Stu­dies, Masflex at Kit­chenPro, sumailalim ang mga scholar sa 15 na linggong training sa culinary arts para sa kanilang skills building. Ito ay makakatulong sa kanila sa kolehiyo o sa paghahanap ng trabaho.

Kuwento sa akin ni USec. Boyet Dy, ang chief of staff namin sa Office of the Vice President, nakakaproud daw talagang makita ang mga Angat Buhay scholar na kasabay mag-graduate ng ibang kabataang kasali sa programa. May kakaiba daw na kinang sa kanilang mata, at liksi sa kanilang paglakad.

Edukasyon ang isa sa mga sangkap na nakikita ni VP Leni na kailangan natin para malabanan ang kahirapan. Kaya ang Angat Buhay, patuloy na naghahanap ng mga paraan hindi lang para mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang bawat batang nasa laylayan para palakihin lalo ang oportunidad ng bawat batang Filipino na maiahon ang kanyang buhay mula sa kahirapan.