Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Edukasyon sa ‘Pinas de kalidad pa ba?

0 22

“Umaray” nang husto ang Department of Education(DepEd) nang i-ulat ng World Bank na 80 percent ng mga Pilipinong estudyante ang bagsak sa sinasabing “minimum level of proficiency” sa kani-kanilang “grade levels”.

Katwiran ng DepEd “unfair” ito dahil ibinase ng World Bank ang naturang report sa “2019 Program for International Student Assessment” ng kagawaran, kaya naman agad itong humingi ng “apology” na tinugunan din ng nasabing “financial institution”.

Pero ang tanong mga Kabalitaktakan eh ano na nga ba ang tunay na lagay ng edukasyon sa Pilipinas?

Gumanda o bumaba ba ang kalidad, ano ba ang dahilan o sino ang may kasalanan o pagkukulang…gubyerno ba, mga guro, mga magulang o mismong ang mga estudyante?

Sa panig ng pamahalaan mga Kabalitaktakan, lagi naman nitong tinitiyak na ginagawa ang lahat para maibigay ang pangangailangan ng sektor ng edukasyon.

Sini-segundahan ito ng DepEd at maging ng Commission on Higher Education o CHeD sa paggigiit na sinu-solusyunan nila ang bawat problemang kinakaharap ng mga estudyante kahit pa ngayong may pandemya.

Subalit kung ang hanay naman ng mga estudyante ang tatanungin mga Kabalitaktakan, taliwas sa binabanggit ng gubyerno ang kanilang itutugon.

Anila, tulad noong mga nakalipas na taon…tila mas pinag-lalaanan pa rin ng pamahalaan ng malaking budget ang ibang sektor tulad ng Department of National Defense at Department of Public Works and Highways kesa edukasyon.

Nito lang nakaraang mga araw mga Kabalitaktakan, lumitaw sa ginawang online survey ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE)…na mayorya ng mga estudyante ang kaka-unti ang natutunan sa ilalim ng “remote learning set-up”.

Related Posts

Ginawa ang naturang online survey mula June 25 hanggang July 2, kung saan kabilang sa respondents ang 1,278 mga teacher, 1,299 Grades 4 hanggang 12 students at 3,172 mga magulang na mula sa National Capital Region ang karamihan.

Lumabas din sa naturang survey mga Kabalitaktakan na 40-porsyento ng mga estudyante ang ayaw na magpatuloy ang distance learning sa susunod na school year, 21 percent ang pabor na ituloy at 39-percent naman ang undecided.

Nasa 36 to 41 percent ng mga estudyante rin ang umamin na may negatibong epekto sa kanilang kalusugan ang “remote learning setup” tulad ng pagdanas nila ng mental at emotional stress, anxiety, depression at panic attacks, base pa rin sa naturang online survey.

Kinailangang isagawa ang “remote learning” matapos isantabi ang “face to face classes” bunsod na rin ng banta ng COVID-19.

Subalit, sa planong unti-unting panunumbalik ng “face to face classes” mga Kabalitaktakan, kumpiyansa ang DepEd at CHeD na gaganda at aangat na rin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa katunayan, mismong sina Education Secretary Leonor Briones at CHeD Chairman Prospero de Vera ang nagsabi na marami nang unibersidad at mga paaralan sa bansa ang bumabalik na sa “new normal” na pagka-klase kahit may epekto pa ang pandemya.

So para sa akin mga Kabalitaktakan, mas mainam na maging mas mapanuri tayo at hintayin natin ang mga “updated report” ng mga nabanggit na tanggapan sa mga susunod na araw at tayo na mismo ang humusga kung ano na ba talaga ang tunay na lagay ng edukasyon sa minamahal nating Pilipinas.

Hanggang dito na lang muna mga Kabalitaktakan at mag-aaral pa ako para tumalino!

Leave A Reply

Your email address will not be published.