Una sa Balita

Edu nakalimutang magpantalon sa tindi ng galit kina Coco, Susan

0 2,789

abante-paistaran-dondon-serminoNakakaloka si Edu Manzano, ha! May isang eksena sa Ang Probinsyano, na dahil sa sobrang intense, ‘yung tipong galit na galit talaga siya, dahil gusto nga niyang ipapatay si Cardo Dalisay (Coco Martin), pati na si Lola Flora (Susan Roces) nakalimutan niyang magsuot ng pantalon.

Imagine, sa tindi ng eksena, halos lahat ay dalang-dala sa akting niya, na ang ending ay nauwi sa tawanan, dahil nga paglakad ni Edu, naka-boxer shorts lang pala ito, habang naka-coat and tie ang pang-itaas.

Pagsabi nga ng ‘cut’, ipinakita ang staff na nagpapalakpakan, nagtatawanan lahat.

Well, knowing Edu, sinadya talaga niya ‘yon para sa social media niya. Not unless tinamad lang talaga siya na magbihis pa, dahil feeling niya, nakatago naman ang lower part niya.

Pero knowing Edu talaga, sobrang pakuwela lagi. Na mas madalas sa hindi ay mas naiisip niyang magpatawa.

Kaya naman kahit galit na galit at isinusumpa siya ng mga fan ng Ang Probinsyano dahil sa kasamaan niya bilang si President Lucas, kapag nasa publiko na siya, kinagigiliwan pa rin talaga siya.

Sa San Juan nga, kapag naglalakad-lakad, namamasyal siya, pinagkakaguluhan siya ng mga fan, dahil sa pagiging kuwela talaga niya.

Migo, John magsasagupa sa ‘Barangay 143’

Hahamunin ni Coach B (John Arcilla) si Bren (Migo Adecer) sa isang one-on-one basketball game sa pag-asang mapasali na ito sa Team Puzakal ngayong Linggo (Nov. 25) sa first Filipino anime series na ‘Barangay 143.’

Ayon sa kondisyong inihain ni Coach B sa deal na alok kay Bren, oras na matalo niya ang binata ay maglalaro ito sa Puzakal sa loob ng isang season.
Kapag natalo naman ay hindi na niya ito gagambalaing muli.

Sino ang mananalo sa laban? Magiging bagong kapitan na ba ng Puzakal si Bren? Paano ito tatanggapin ni Vicky?

Pakatutukan ang first Filipino anime series na ‘Barangay 143,’ tuwing Linggo, 10 AM sa GMA.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/brgy143, i-follow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.com/brgy143.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy