Una sa Balita

Edu lalayas na sa GMA

By
0 6,318

Hindi pa matatapos ang Ang Probinsyano, ang top rating television series ni Coco Martin sa ABS-CBN dahil magtatagal pa ito hanggang sa June 2018. May mga karakter na mawawala sa Ang Probinsyano pero may mga bagong artista na papasok gaya nina Dawn Zulueta, Carmi Martin at Edu Manzano.

Mawawala na ba si Edu sa Celebrity Bluff? Lalayas na ba siya sa GMA?

Sa contract signing naman ni Mark Anthony Fernandez sa Viva Artists Agency noong nakaraang January 25, kasama niya ang kanyang nanay na si Alma Moreno.

Ikinuwento ni Alma na pinapanood nito ang television show ni Coco at ipinahayag niya ang kagustuhan na mag-guest si Mark sa Ang Probinsyano.

Mark masaya sa tagumpay ni Winwyn

Nakakulong si Mark Anthony Fernandez sa Pampanga Provincial Jail nang manalo na Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia ang kanyang kapatid na si Teresita Ssen Marquez aka WinWyn.

Masayang- masaya si Mark nang malaman nito ang balita tungkol sa pagkakaroon ni Teresita ng international beauty title.

“Happy ako para sa kanya dahil alam ko na dream niya ‘yon. Na-realize ko na talagang natupad ang dream niya. Sabi ko sa kanya, alagaan mo na ang sikat mo. Tuwang-tuwa naman siya. Ang laki ng iginanda niya,” ani Mark.

Winwyn lalong gumanda!

Lalong gumanda si Winwyn dahil sa aura niya, ‘yung nangyari ang dream niya,” ang pag-ayon ni Alma sa mga pahayag ni Mark tungkol kay Teresita.

Nanghihinayang lang si Alma dahil hindi nakasali sa Boulevard Carnaval si Teresita nang magkaroon ito ng problema sa flight mula Bolivia pauwi sa Pilipinas.

Sinabi ni Alma na alam ni Teresita na gumanap siya na carnival queen sa 1981 movie ng Amore Films at kinunan ang mga eksena nito sa Rio de Janeiro, Brazil.

Thirty seven years later, sa tunay na buhay, muntik nang maging carnival queen si Teresita sa Bolivia pero hindi natuloy dahil sa conflict sa kanyang schedule.

Hindi sumama si Alma nang lumaban si Teresita sa Reina Hispanoamericana noong November 2017 dahil pinagbawalan siya ng doktor niya.

“Manipis ang hangin sa Bolivia kaya sinabi ng doktor ko na huwag na akong sumama. Sa Mindanao nga, may mga lugar na hindi ko puwedeng puntahan dahil manipis ang hangin pero sasama ako kay WinWyn sa Bolivia kapag ipinasa na niya sa kanyang successor ang korona niya,” ang sabi ni Alma.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy