Una sa Balita

Edu, John nag-agawan, nag-away sa crispy pata

0 981

abante-paistaran-dondon-serminoKuwelang-kuwela ngayon ang video na pinost ni Edu Manzano sa kanyang Instagram, na kung saan ay nagtatalo, nag-aagawan, nag-aaway sila ni John Arcilla sa isang crispy pata sa hapag kainan.

Sa taping nga ng FPJ’s Ang Probinsyano ‘yon kinunan, pero behind the scene nga ‘yon, at hindi mapapanood sa teleserye mismo ni Coco Martin ang pag-aagawan nina President Lucas at Hipolito.

Pero, sobrang aliw talaga ang pag-aagawan nila ng crispy parta, ha! Makikita nga kung paano ilayo ni Edu kay John ang crispy pata. Na hindi naman pumayag si John, kaya hinila rin niya ang crispy pata na malapit sa lamesa niya.

“Pati ba naman ang crispy pata pinag-aawa­yan!?!? Friendship is friendship pero ang pata ay para sa Presidente!! #goodvibes #fpjap #donttouchmypata @johnarcilla,” sabi ni Edu.

Siyempre, kanya-kanyang komento ang mga netizen sa agawan, ayawan ng dalawa, dahil sa crispy pata.

kevinsy7 “Ano po ba ang mas malutong sa dalawa, crispy or crunchy?”

smilesy1509 “Mr. President nakita sa cctv…GUILTY!!! Mag-take muna po bago maubos ang props!”

may.p.aquino “Sir Edu nakaka-high blood yang crispy pata hinay hinay.”

mjmedecilo “Hahahhaha yong reaksyon ni Mark Anthony Fernandez… Love this video @realedumanzano.”

itsmecaroleking “You got me talaga Mr. Funny handsome guy.”

jackeytads “Kung walang ibang kasama nagsapakan na yan.”

janajmercado “Hahaha nakakaaliw kayo.”

elizabethglim “Don’t touch my crispy pata or else papapatay kayo ni Pres Lucas…i love you @realedumanzano ..God bless you all..Dasal namin maayus lahat ng pinagdadaanan nio ngayun!!Mabuhay ang #fpjsangprobinsyano!”

doodaypillasis “Sa San Juan po maraming crispy pata. Welcome kayo Cong. Edu.”(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy