Una sa Balita

Edu ginamit sa Mr. Universe Tourism

By
0 167

Walang Edu Manzano na sumipot sa coronation night ng 1st Mr. Universe Tourism na ginanap sa Palacio de Maynila noong Linggo nang gabi, October 15, 2017.

Supposedly, si Edu ang host ng event at ayon ito sa social media posts at press release ng organizer ng contest pero itinanggi ito ni June Rufino, ang manager ng actor/television host.

Pinabulaanan ni Rufino na nakipag-usap sa ­kanya ang organizer ng Mr. Universe Tourism kaya nakiusap siya na i-delete ang social media posts tungkol sa participation ni Edu.

“Edu is not part of the event and has not been contracted to host the event,” ang official statement ni Rufino.

Naging solo host ng finals night ng Mr. Universe Tourism ang courtside reporter at 2016 Mutya ng ­Pilipinas Asia-Pacific na si Ganiel Krishnan.

Dalawa ang Filipino contestants sa Mr. ­Universe Tourism, si John Jayarr Agustin at ang ‘gasoline ­attendant’ na si CJ Querol na kapwa luhaan dahil hindi sila nagkaroon ng puwesto, maliban sa natanggap na special awards na Best in Swimwear at Best in Formal Wear, respectively.

Mr. Universe Tourism 2017 si Richard Ricardo Carter ng Thailand, 1st runner up si Mr. Canada Kris Martin at second runner up si Jin Stewart ng Korea.

Braso ni Zsa Zsa napunit

Zsa Zsa Padilla

Ngayong gabi ang red carpet premiere sa ­Cinema 3 ng SM Megamall ng Bes and The Beshies, ang drama comedy movie nina ­Ai Ai­ delas Alas, Beauty Gonzales, Carmi Martin at Zsa Zsa Padilla.

Nangyayari sa tunay na buhay ang kuwento ng apat na karakter ng bagong pelikula ng direktor na si Joel Lamangan kaya tiyak na makaka-relate ang mga kababaihan na nagbabalak na panoorin ang Bes and The Beshies.

Nagpapasalamat nga pala si Ai Ai sa lahat ng mga nanood ng Magpakailanman noong Sabado. Overwhelmed ang Comedy Queen dahil positive ang lahat ng mga feedback sa pagganap niya sa karakter ni Emily Baclao, ang homeless battered wife na mahilig mag-ampon at mag-alaga ng mga kapwa niya walang tahanan.

Speaking of Zsa Zsa, ang bumiyahe sa iba’t ibang bansa ang bisyo niya ngayon, na sinasamantala ang pagkakataon habang masigla at ma­lakas pa ang katawan niya.

“Kapag may nagsasabi sa akin ng ‘Ang sarap ­naman, trip ka nang trip,’ sinasabi ko, that’s my dream. You have to live your dream at a certain age habang kaya mo pa.

“Naku, mahina na kaya ang tuhod ko, pro­mise. Siyempre, ‘yung edad nandiyan na, ‘yung mga tuhod nananakit na pero sige work out, work out pa rin. Nakaka-Zumba na nga ako uli pero ang ­tagal ko na natengga. Tapos, ‘yung physical therapy ko, ­tuluy-tuloy.

“Medyo natengga nu’ng bakasyon pero ngayon, gagawa na naman sila ng bagong program kasi itong right arm ko, hindi ko pa masyadong naigagalaw. Ten percent pa ang hindi ko naigagalaw.

“‘Yung napunit ang right arm ko. Sabi ko, paano ko nagawa ‘yon? Wear and tear daw. Nag-surgery ako, may bakal na naman diyan. Bumaluktot ‘yan eh tapos tumaas, ang payat-payat, nawalan siya ng muscles. If you remember, last year, I was so skinny kasi nag-atrophy (decrease in size or wasting away of a body part or tissue) ‘yung muscles ko. Nagkadiprensya rin sa rotator cuff.

“Dati right after surgery, everyday ang physical therapy ko, tiyaga talaga. Almost one year na ang physical therapy ko, depende sa gusto ko.

“Gusto ko mabalik siya sa dati, 100% na naigagalaw. May problema na lang ako  sa pag-reach ko sa back.

“‘Yung scoliosis ko, naopera na siya. Iba naman ito.

Na-discover ko na meron na rin akong cervical spondylosis (medical term for neck pain caused by age-­related wear and tear to bones and ­tissues), ‘yung sakit ni former President Gloria Macapagal-Arroyo. Women like my age, 50’s or a little bit younger nagkakaroon daw,” ang natatawa na kuwento ni Zsa Zsa tungkol sa mga pinagdaraanan ng katawan niya na epekto ng pagkakaroon ng edad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy