Una sa Balita

Edu, Alice ipinagpalit ang ‘Ang Probinsyano’ sa ‘Barangay 143’?

By
0 3,960

Kasama pala sina Edu Manzano at Alice Dixson sa Barangay 143, the first-of-its-kind Filipino themed and All-Filipno made animé TV series na magsisimulang ipalabas sa GMA 7 nga­yong September.

Naku, hindi naman iiwanan nina Edu at Alice ang FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN para magbalik-Kapuso network, huh!

Ang tsika sa akin ng isang namamahala sa animé TV series na ito, almost two years na raw ang proyektong ito at bale dalawa lang sina Edu at Alice sa mga artistang nag-voice sa ilang mga character dito.

So, hindi pa bumabalik sa Dos si Edu, pati si Alice, ay nakapag-voice na sila para sa Barangay 143.

Bale blocktimer din sa Kapuso network ang Barangay 143, kaya hindi naman siguro magkakaroon ng problema sa bagay na ito, ‘noh?!

Next week nga pala ang media launch ng Barangay 143 at imbitado raw ang mga artistang nag-voice sa mga character dito katulad nina Cherie Gil, Megan Young, Julie Anne San Jose at pati nga sina Edu at Alice, kaya ang tanong ko sa nag-imbita sa akin, sure ba siya na makakarating nga ang dalawang Kapamilya star?

“Most likely,” ‘yan lang ang nasabi ng namamahala sa media launch ng Barangay 143.

Well…

Martin Nievera tablado sa ABS-CBN?

Nakabalik na pala ng bansa noong isang araw si Martin Nievera at kahapon, sumalang na siya sa ta­ping ng kanyang talk show sa ANC (cable network channel ng ABS-CBN), ang LSS (Long Story Short): The Martin Nievera Show, na napapanood tuwing Monday ng 10:30PM.

Maganda ang feedback sa bagong talk show na ito ni Martin, lalo na ‘yung episode last Monday kung saan ininterbyu niya ang anak-anakang si Matteo Guidicelli kaya naman may mga nagre-request pala na ipalabas din ito sa mismong ABS-CBN, huh!

Mapagbigyan kaya ng big bosses ng Kapamilya network ang request ng mga fan ng Concert King?

Sa taping nga pala kahapon sa Makati City sa bahay ng isang kilalang businessman, natuwa ang staff kay Martin dahil kahit kagagaling lang niya ng Honolulu, Hawaii ay parang normal na normal siya kapag nagte-take sila at hindi kababakasan ng jet lag!

Adbokaserye nina Yasmien, Mike pinarangalan ng Diocese of Antipolo

Very proud naman ang Kapuso network ang advocacy series nila na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Mike Tan dahil isang plaque of recognition ang natanggap ng programa mula sa Philippine Catholic HIV-AIDS Network ng Diocese of Antipolo.

Pinarangalan ang nasabing afternoon series ng Siyete sa Walk the Talk: Stop the Stigma, Stop HIV event ng nabanggit na organisasyon noong Sunday, July 8, sa Marikina Sports Center.

Sa sobrang tuwa nga ni Yasmien, talagang pinost kaagad niya sa kanyang Instagram account (@yasmien_kurdi) ang pagtanggap nila ng karangalan na ‘yon kung saan ay nakasama niya sina Jackie Rice, Martin del Rosario at iba pa.

Siyempre pa, pinasalamatan ni Yasmien ang Philippine Catholic HIV-AIDS Network ng Diocese of Antipolo sa karangalang ‘yon.

Dahil nga raw sa parangal na ‘yon sa kanila ay lalo pa silang ginaganahang pagandahin pang lalo ang nasabing advocacy series.