Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

EDSA bus lane ipapagamit sa pagdeliber ng bakuna

0 311

Pinahintulutan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magamit ang EDSA bus lane para sa mabilis na maghahatid ng mga bakuna para sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay MMDA chief Benhur Abalos, masyadong maselan ang mga vial ng bakuna kaya dapat na maingatan ang mga ito at mabilis na maihatid sa mga local government unit (LGU), health center at mga pagamutan dahil kailangan ng speedy transport sa mga bakuna para mapanatili ang cold temperature ng mga gamot.

Inaasahang darating ang 600,000 dose ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm Sinovac sakay ng anim na 40-foot container van na ibibiyahe mula Villamor Air Base sa Pasay City patungong Department of Health (DOH) medical facility sa Marikina at Veteran’s Memorial Medical Center sa Quezon City.

Nakahanda na rin ang mga police at MMDA enforcer escort ba umasiste sa mga malalaking trak habang naka-ready na rin ang towing at emergency vehicles sakaling magkaroon ng aberya ang mga sasakyan.

Nilinaw ni Abalos na parehong set-up din ang kanilang ipatutupad sa susunod na batch mula sa Pfizer at AstraZeneca. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.