Una sa Balita

EDITORIAL: Trapik at krimen sa ‘ber’ months

0 111

Pumasok na ang tinatawag na ‘ber’ months kung saan ay karaniwan nang inaasahan ang mas matrapik na mga lansa­ngan sa Metro Manila.

Sa ganitong panahon din nakakapagtala ng mga krimen kapag malapit na ang holiday season.

Kahit kasi sabihin pang ma­ra­ming Pinoy ang mahihirap, kapag dumarating ang holiday season ay lumalabas ang pera ng mga tao.

Marami ang nagsa-shopping kaya dagsa ang mga tao sa lansangan. Dahil maraming tao, kabuntot na rin nito ang pagdami rin ng mga bumibiyahe na pampubliko at pribadong sasakyan.

Ang resulta ay matrapik na mga lansangan. Matao din sa mga pamilihan at malls. Abala ang mga tao, tanda ng nalalapit na holiday season.

Sinasamantala naman ito ng mga kawatan na nagha­hangad na magkapera sa mabilis na paraan.

Target nila ang mga kababayan natin na ­sinisikap na nga mapagkasya ang maliit na budget para sa kanilang pamilya ay nabibiktima pa ng mga kapwa Filipino na tamad magtrabaho sa malinis na paraan.

Trapik at krimen dahil sa pagpasok ng ‘ber’ months, dapat paghandaan ito ng ating mga awtoridad.

Kinakailangan hindi lamang ang police visibility sa mga matataong lugar kundi maging ang presensya ng mara­ming traffic enforcers sa mga lan­sangan.

Dapat maging alerto din ang mga security officers ng mala­laking establisimiyento, parti­kular ang mga mall na dadagsain ng mga tao.

Kailangang bigyan nila ng prayoridad ang kaligtasan ng publiko kapalit ng ipapasok na malaking kita sa kaha ng mga negosyante.

Subalit hindi lamang dapat mga traffic enforcer at kapulisan ang kumilos para sa mapayapa, maayos at ligtas na holiday season kundi maging ang mga lokal na pamahalaan.

Dagdag-puwersa din para sa peace and order ang mga tauhan ng barangay na nagtatrapik at nagpapatupad ng kaayusan at ­katahimikan sa kani-kanilang mga nasasakupan, lalo na doon sa mga may matatagpuang pampubliko o pribadong pamilihan at malalaking establisimiyento.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy