Una sa Balita

Editorial: Tama ba o mali?

0 109

Umani ng sari-saring batikos kamakailan lalo na sa social media si Presidential Communications Office Secre­tary Martin Andanar dahil sa mga pahayag nito bago ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na makabagbag-damdamin at nakakaiyak ang gagawing speech ng bagong halal na presidente ng bansa.

Ilang araw bago ang first ever SONA, nama­yagpag na sa social media gayundin sa mga radio interviews ang mga pahayag ni Andanar na napaiyak siya at “kukurot at bubuhay sa damdamin” ng mga Filipino, nang mabasa niya ang draft ng talumpati na ang Presidente umano ang nag-compose.

Bagama’t hindi nito idinitalye noong una ang nilalaman ng speech at sinabi pang ‘secret’ kung tungkol saan at anong partikular na bahagi ng talumpati siya naiyak at sinasabing ‘naglupasay.’

Dahil sa mga preemptive statements na ito ni Andanar, siyempre marami ang naghintay sa SONA speech ni Pa­ngulong Digong. Curious ang publiko na marinig at malaman ang mga ilalahad nitong plataporma at mga gagawin ng kanyang administrasyon.

Subalit, lumipas na ang sinasabing 38 minutong talumpati ng Presidente (na tumagal pa ng halos isa’t kalahating oras) ay wala naman tayong narinig dito na ‘nakakaiyak’. Wala ring makabagbag damdamin at higit sa lahat, walang nakaka­gulat na pasabog statement na maaring ikahulog sa upuan ng isang nakikinig.

Related Posts

Sa madaling salita, over acting (OA) lang si Andanar. Nabansagan tuloy siya ngayon na ‘Martin Paandar’ dahil sa kanyang mga naunang pronouncements na ikina-bad trip ng marami.

Sa tingin namin, unang salto ito ni Andanar bilang tagapagsalita ng Presidente. Hindi niya dapat pinapangunahan ang sasabihin ng Pangulo upang hindi siya mapahiya gayundin ang Pangulo.

Nalagay tuloy sa malaking katatawanan si Andanar dahil sa mga ‘pakulo’ nito na hindi naman tama at akmang gawin ng isang tagapagsalita.

Batid natin na halos buong sambayanan ngayon ay naka-focus sa kasalukuyang liderato. Lahat ng sasabihin at gagawin ng sinuman sa adminitrasyon ay maaaring mag-boomerang sa Presidente.

Gayunman, maaga pa naman para maitama ang mga pagkakamaling kagaya nito upang hindi na maulit pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy