Una sa Balita

Editorial: Patindi nang patindi ang trapik

0 172

Bakit kaya lalong tumindi ang traffic ngayon? Hindi tuloy maiwasan ng maraming motorista na mag-init ang ulo at halos mapamura na sa tindi ng perwisyo na ito sa araw-araw?

Sabi ng isang kongresman, dahil daw sa Pokemon Go. Ang hirap basahin kung nagbibiro lang ang mambabatas na ito. Pero sa totoo lang, nakakarindi na talaga ang matinding trapiko lalo na nitong nakalipas na araw na sinabayan pa ng malakas na pag-uulan.

Bakit nga kaya nagkaganito ang sitwasyon ng ating mga lansangan? Tila wala nang kaayusan. Kailangan na ba talaga ng emergency powers para masolusyunan ang suliranin sa trapiko sa Metro Manila?

Pero aabutin pa raw ng 2 taon bago ito maisakatuparan ng gobyerno. For the mean time.. ano kaya ang naiisip na solus­yon ng pamahalaan para maibsan ito?

Isa sa sinising dahilan ay ang pagbabawal sa mga UV Express na dumaan sa EDSA, kaya naman labis na naapektuhan ang ilang ruta gaya ng C5 kung saan halos naging triple ang dami ng sasakyan.

Malaking abala rin ang ginagawang mga road patching kung saan itinataon pa talaga kapag rush hours.

Halos dalawang araw nang walang galawan sa C5 simula sa Eastwood area hanggang sa tapat ng Market Market dahil sa ginagawang pag-aspalto sa daan. Sana lang gawin ito sa umaga o madaling-araw kung kailan kaunti pa lang ang mga sasakyan na dumadaan.

‘Wag na nilang isabay ang mga road repairs na ito sa dagsa ng mga motorista dahil napakalaking perwisyo ang ibinibigay nito sa mamamayan. Kaunting konsiderasyon naman para iwas-abala at disgrasya sa mas nakararami.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy