Una sa Balita

EDITORIAL: Miss Universe 2017

0 212

Walang isasarang kalsada at walang itatagong tao para sa gaganaping Miss Universe sa bansa sa susunod na taon.

Ito ang paniniyak na ginawa ng Department of Tourism (DOT) taliwas sa nangyari noong nakalipas na malala­king event gaya ng pagdating ng Santo Papa kung saan itinag­o ang mga batang lansangan na umani ng pagbatikos sa madlang­ people.

Ayon sa ilang puna, bakit kailangang itago ang tunay na kahirapan ng bansa sa mata ng iba gayong ito ang dahilan ng pagpunta ng Santo Papa noon sa ­Pilipinas?

At dahil dito gaganapin ang Miss Universe pageant, muling­ mabubuksan ang pintuan ng bansa­ sa mata ng buong mundo.

Kaya naman maagap na sinabi ng ating gobyerno na walang isasaradong kalye at walang itatagong mga yagit sa padaraos ng Miss U sa Enero 2017.

Ayaw ni Presidente Digong na maabala sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga Pinoy dahil sa gaganaping beauty pageant.

Siguradong traffic at ito ang tunay na sitwasyong nara­ranasan natin hanggang sa kasalukuyan na nais na ipakita ng pamahalaan.

Kung baga, ‘what you see is what you get’ ang peg natin.

Nais ng Pangulo na  ipakita sa buong mundo na sa gitn­a ng kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay may naitatagong ganda at may maipagmamalaking kultura at yaman na dito ­lamang makikita.

Magandang pagkakataon ito sa bansa lalo na sa larangan­ ng turismo. Inaasahang bubuhos ang maraming turista ­kasabay ng pagdating ng mga kandidata na nag-umpisa nang magsidating kahapon para sa kickoff party.

At dahil walang gagastusin ang gobyerno sa event, inaasahang maeengganyo ang international press ng prestihiyosong beauty contest.

Kaya naman isang napala­king pagkakataon o oportunidad ito para sa Pilipinas na maiparamdam natin ang the best na Filipino­ hospitality sa mga papara­ting na bisita at maipakita natin sa kanila ang ganda ng Pilipinas.

Kailangan lamang  masiguro­ ang kaligtasan ng mga kandidatang kalahok kaya naman ta­yong  mamamayan ay dapat tumulong din sa pagbabantay at maging vigilant sa mga nagbabalak na manggulo para ­sirain ang magandang reputasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa.

Sisikapin din ng DILG at Philippine National Police na pigilan ang anumang “untoward incident” bago, habang ginaganap hanggang sa pagtatapos ng pageant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More