Una sa Balita

Editorial: Mataas na pag-asa kay Duterte

0 193

Hindi maitatanggi na mataas ang pag-asa ng mga botante ni President-elect Rodrigo Duterte sa papasok na administrasyon.

Hindi pa man siya nakakaupo ay marami na ang nagsusumbong at nagre-request ng kung anu-ano.

Mula sa mababang sweldo, benepisyong medikal, ang inaasam pa rin na dagdag pensyon ng mga SSS retirees, solusyon sa trapik sa Metro Manila, mga dagdag na ayuda sa kanayunan (employment, tulong sa mga magsasaka at mangingisda, decentralization ng mga serbisyo ng gobyerno na dati ay dinarayo pa sa Metro Manila) na paulit-ulit niyang ipinapangako at higit sa lahat ay ang bumentang campaign slogan na 3-6 months na pagwalis sa kriminalidad, lalo na sa illegal drugs.

Bagama’t sa rekord ng patapos na administrasyong Aquino ay tunay namang naitukod ang mahusay na pundasyon ng mga ayudang ito, lalo na ang milyun-milyong nagbenepisyo sa 4Ps at mga nabigyan ng dagdag pangkabuhayan sa Bottom-up Budgeting (BuB), sa resulta ng katatapos na eleksyon ay malinaw na mas ginusto ng mahigit 16 na milyong Duterte voters ang mas higit pang kaayusan at kaalwanan sa buhay.

Mayroong hindi nasiyahan, hindi nakuntento o sadyang nakulangan kay PNoy, merong mga nasagad na sa kaliwa’t kanang krimen lalo na sa illegal drugs at meron ding gusto lang talagang sumubok ng iba.

Related Posts

Bilang mga taxpayers, tama lang na mag-demand tayo ng klase ng serbisyong gusto natin mula sa gobyerno. Karapatan natin ‘yan habang obligasyon naman ito sa bahagi ng pamahalaan.

Pero ang nakakatawa at talaga namang OA na ay iaasa pa rin sa gobyerno pati ang disiplina.

Ang disiplina ay dapat nasa sarili. Hindi ito tungkulin ninuman sa kanyang kapwa. Ito ay indibidwal na kinukusa at dapat talagang ginagawa at isinasabuhay ng bawat isa.

Kung pati ang pagdidisiplina ay ipapaobliga ng mga Pinoy sa gobyerno, malaking “good luck” yata ang kakailanganin ng uupong bagong administrasyon!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More