Una sa Balita

EDITORIAL: Mas maging mapagmatyag ngayong ‘ber’ month

0 37

Lubha nang nakakabahala ang bilang ng mga Pinoy na lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Sa inilabas na datos ng Philippine Drug Enforcement Agency ay umaabot na sa apat na milyon ang ­kabuuang bilang ng mga Pinoy sa Pilipinas na sina­sabing mga ‘adik.’

Ang isa pang nakaka­alarma dito ay ang ulat na mas lalakas pa ang bentahan ng iba’t ibang mga ipinagbabawal na gamot ngayong last ­quarter ng taon.

Di naman siguro ­lingid sa atin na tuwing pumapasok ang ‘ber’ months ay hudyat na rin ito o mistulang simula na ang holiday seasons kung saan kaliwa’t kanan na ang idinaraos na ­party sa iba’t ibang lugar na kinagigiliwan ngayon di lamang ng mga oldies kundi higit ng mga yuppies partikular na ang mga millennial.

At dahil sa kadalasang pagdaraos ng mga party-party ay ikinokonsiderang mas lalakas pa ang demand o bentahan ng illegal o party drugs partikular na ang shabu.

Ngunit bukod sa mga highly urbanized ay di rin maitatangging isa sa malaking bilang ng mga adik ay galing sa marginalized sector na pinamumugaran ng mga squatters o informal settlers.

Mismong ang Dangerous Drugs Board ay nagsa­sabing nangunguna pa rin ang Metro Manila sa bilang ng pinakamaraming durugista at nagtutulak ng droga bunga na rin ng ma­tinding kakapusan o kahirapan.

Bunga ng nakaka­alarmang mga ulat na ito’y kailangang ma­ging handa at kumilos ang kinauukulan na­ting mga ahensiya partikular na ang mga kapulisan.

Dapat ay magdag­dag pa ng mga pulis lalo na sa mga mata­taong lugar para mapigilan ang anumang krimen at street buying.

Paigtingin pa ang police visibility at monitoring sa mga malls, events place, mga park at maging sa pali­gid ng mga schools o universities.

Kailangang matyagan din nila at sundan ang crime trend para mapigilan ang paglaganap ng bentahan at paggamit ng droga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy