Una sa Balita

EDITORIAL: Hindi talaga birong maging Presidente!

0 4

Tila ngayon lamang napapagtanto ni Pangulong ­Digong Duterte ang bigat ng responsibilidad na naka­atang sa balikat ng isang lider ng bansa.

Dapat, bago siya tumakbo noong eleksyon ay pinag-isipan muna niyang mabuti ‘yan. Imbes na makinig sa mga taong gumatong nang gumatong sa kanyang ­ambisyon, dapat ay tiningnan niya sa kabuuan ang pasaning kanyang kukunin mula kay noo’y Pangulong Noynoy Aquino.

Ang mga ­nakapaligid sa kanya noon, ­siguradong may interes kaya gusto nilang tumakbo si dating Davao City Mayor Duterte. ‘Yung sinasabi nilang “para ito sa bansa”, paniguradong pinakamaliit ito sa hilera ng kanilang mga interes.

Abante Hiring – IT dep

Nakita naman na nabig­yan ng premyo lahat ng nagsulong ng kandidatura noon ng Pangulo kaya ‘wag nang paikutin pa ang ulo ng tao na ginawa nila ito at iti­nulak sa napakabigat na responsibilidad si Pangulong ­Digong dahil siya ang susi ng pagbabago.

Pagbabago sa buhay nila at impluwensya, ‘yan ang maliwanag na nangyari.

Ngayon ay sa mismong bibig na ni Pangulong Digong nanggaling na, “nagsisisi na ako (magsisi na ako).”

Nahihirapan daw siya kasi sobrang makabanat ang media. Binanggit pa ang isang pahayagan at isang higanteng television network. Wala na raw ginawa kundi araw-arawin siya ng upak. Parang wala na siyang ginawang tama.

Bilang bahagi ng industriya ng media, masakit ang mga pahayag ng Pangulo. Hindi man kami maaaring magsalita para sa dalawang media entity na pinagmu­mura ng Pangulo, pero ang paha­yagang ito ay maninin­digan sa paghahatid ng balita kahit na ito’y makakasakit sa kalooban ng Pangulo.

Kung ang ­pag-uulat ng totoong nangyayari, ng totoong ginagawa, ng totoong pasya, at ng totoong sinasabi ng ­Pa­ngulo ay tinitingnan niya na ‘banat sa ­kanya’, mukhang malayo ang tatakbuhin ng hindi pagkakasundo.

Malaki ang kaibahan ng pamamahala sa Davao City at pamamahala sa buong bansa, G. Pangulo. Kung sa Davao noon ay yumuyuko lahat, tumatawa sa mga joke kahit ­nakakainsulto at nakakabastos, pumapalakpak sa mga mura at kapag pinupulutan ang kaseksihan ng ­babae sa iyong mga talumpati, hindi mangyayari iyan sa ­national audience, lalo’t naririyan ang media na palaging ­tutukod sa kagandahang-asal, sa integridad at sa pagiging ­mabuting ehemplo dapat ng mga opisyal ng gobyerno, at higit sa lahat… sa ‘rule of law’.