Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Editor sumabit sa robbery, kulong

0 113

Dinakip ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang umano’y freelancer na editor dahil sa reklamong pagnanakaw noong Huwebes sa Quezon City.

Nakadetine sa MPD custodial jail ang suspek na si Niñovic Dumantay, 21-anyos at residente ng Bouganvilla St., Pingkian III Village, Pasong Tamo, Quezon City makaraan itong damputin nitong Huwebes bandang ala-1:10 ng hapon.

Ayon sa pulisya, nakatala si Dumantay bilang Top 25 Most Wanted Person sa ditrict level at inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Branch 76 Presiding Judge Renato Pambid noong Marso 25, 2022 sa kasong robbery.

Inirekomenda ng korte ang P180,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.