Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Edgar inalay EDDYS trophy sa jowa, pamilya

0 45

Wagi ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman ng “Best Supporting Actor” sa 4th Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap nitong April 4.

Pinarangalan si EA para sa kanyang pagganap bilang si Neb sa pelikulang Coming Home.

Ibinahagi ni EA na hindi niya inaasahan ang pagkilalang ito. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

SM food to go Banner Ad

“Oh, my God! Unexpected,” aniya sa kanyang speech.

“Unang-una gusto kong magpasalamat kay Lord for the talent and the passion. ‘Yung every project na ibinibigay N’ya sa akin, nandoon ‘yung passion at pagmamahal ko sa craft ko at hindi n’ya iniiwan bigla kundi binibigay N’ya. Thank you sa lahat ng bumubuo sa The EDDYs, sa SPEED, ito ang kauna-unahang award ko sa inyo and this means a lot to me.”

“Idini-dedicate ko po itong award ko sa aking family, kay Shaira [Diaz], sa lahat ng aking mga inspirasyon, sa mga sumusuporta, sa mga nagmamahal, sa GMA Network family, Artist Center, and ALV family, maraming salamat po,” dagdag pa ng Kapuso star.

Samantala, abangan si EA sa Heartful Café na malapit nang mapanood sa GTV at Agimat ng Agila sa GMA-7. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.