Una sa Balita

Eddie, Tony best actor sa North America

0 353

Isang masigabong palakpakan at pagbati. Na dapat lang naman.

Imagine, parehong nanalong best actor sina Eddie Garcia at Tony Mabesa (nag-tie sila) para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” na dinirek ni Joel Lamangan at prinodyus ng Heavens Best Entertainment, sa katatapos lang na 52nd Worldfest Houston International Film Festival.

Kunsabagay, parehong magaling sina Eddie at Tony sa “Rainbow’s Sunset.” Gumanap sila bilang magdyowang bading sa pelikula.

Na kung kailan nagkaedad ay doon pa ipinangalandakan ang kanilang pagmamahalan. Maraming eksena sa “Rainbow’s Sunset” na maiiyak ka talaga.

At yes, pareho silang magaling doon, kaya dapat lang na manalo silang mga best actor.

Ang Worldfest Houston International Film Festival ay nagsimula noong 1961. Ito nga ang 3rd competitive international film festival sa North America, ang iba ay ang San Francisco at New York.

Ang Worldfest ay ang oldest independent Film & Video Festival in the world. Ang award-winning producer/director na si Hunter Todd ang nagtatag nito. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy