Una sa Balita

Eddie super maga ang mukha sa Cebu accident

0 4,203
Sa Tuesday ay two weeks na pagkatapos magkaroon ng freak accident ni Eddie Gutie­rrez sa Cebu. Nagpunta roon ang veteran actor kasama ang misis na si Annabelle Rama.
 
May event na pinuntahan ang mag-asawa, kasama si Mother Lily Monteverde, at ilang mga kaibigan.
Katulad ng ibang mga party na dinadaluhan nila, nahilingang kumanta ng Elvis Presley song si Tito Eddie at pinagbigyan naman niya.
 
Pero na-out balance ang mister ni Bisaya at, “Humawak si Eduardo sa music stand, kaso hindi matibay ‘yon, kaya bumagsak siya. Bumagsak siya sa stage at concrete pa naman ang binagsakan niya at tumama ang ulo niya sa sahig,” worried na pagkukuwento ng misis ni Tito Eddie.
 
Nag-worry nga raw ang lahat sa nangyari kay Tito Eddie. Lahat ay napatakbo para tulungan ang ve­teran actor.
 
Si President Rodrigo Duterte nga raw na nasa event din na ‘yon ay tinanong ng mga katabi kung puwedeng ipagamit ang ambulance na nasa labas at nag-yes daw ito agad.
 
Pero hindi naman daw nagpahatid sa hospital si Tito Eddie, kaya nang paalis na si Pres. Digong ay lumapit ito sa veteran actor para kumustahin.
 
Sinabihan daw ni Pres. Digong si Tito Eddie na kailangang magpa-hospital ito at ipa-check-up ang ulo para siguraduhing okey nga ito.
 
Nagpasalamat naman daw si Bisaya sa concern ng ating Presidente sa kanyang mister.
 
“Sabi ni Pres. Digong, siyempre, worried din siya dahil sa nangyari. Pinasalamatan ko siya sa concern niya, na sabi naman niya, kaibigan niya kami, kaya natural lang naman na maging concern siya,” kuwento pa ni Tita Annabelle.
 
The next day, nagpa-CT scan si Tito Eddie at okey naman daw ang result.
 
Ang problema lang, nabugbog ang mukha ng veteran actor dahil sa bagsak niyang ‘yon. Black and blue nga ang paligid ng mga mata ni Tito Eddie.
 
Magang-maga rin ‘yon, kaya naman ilang araw siyang hindi nakapag-taping para sa Cain at Abel ng GMA 7.
“Hindi kayang takpan ng make-up. Mahahalata. Sobrang maga,” sabi ni Bisaya.
 
Ang maganda, nang malaman nga ng mga taga-Cain at Abel ang nangyaring ‘yon kay Tito Eddie, sila na ang nag-adjust at pinayagang hindi mag-taping kaagad ang veteran actor.
 
Malamang ngayon ay nakapag-resume na ng taping ng Cain at Abel si Tito Eddie at sa Tuesday naman ay a-attend siya ng presscon dahil sa November 19 na ang pilot telecast nila kapalit ng Victor Magtanggol na magtatapos na sa Friday.
 
Sa guesting ni Ruffa sa online show ko sa Abante News Online Facebook page, ikinuwento ng aktres ang tungkol sa freak accident na nangyari sa kanyang tatay.
 
Ipapalabas ang interview na ‘yon ni Ruffa on November 19 ng 1:00PM.