Una sa Balita

Eddie, Sen. Miriam, Digong umeksena sa pelikula nina Ariel, Maverick

0 403

Nagsimula sa malalakas na hagalpakan, pero biglang nauwi sa lungkot.

Ganiyan ang eksaktong naramdaman ko matapos kong panoorin ang pelikulang “Kings of Reality Shows” (The Untold Story) na bida sina Ariel at Maverick.

Ito nga ‘yung pelikula na ala-reality show ang tema, na prodyus ng GMA Films. Naalala ko pa mga isang dekada na ang nakalipas, na nagpa-presscon pa ang GMA Films para kina Ariel at Maverick, bago nga lumipad pa-USA ang dalawa.

Ang bongga nga ng promo nito noon, dahil ang eksena nila, sasali sila sa “American Idol”, na nu’ng mga panahon na ‘yon ay si Jasmine Trias ang sikat na sikat sa mga Filipino.

Pero, biglang-bigla nga, nawalang parang bula ang pelikula. Wala nang balita kung ano ang nangyari sa mga eksenang kinunan sa Amerika.

At heto nga, base sa kuwento ni Ariel, isinanla niya ang kanilang bahay para bilhin ang ‘rights’ nito sa GMA, at maipalabas na nga niya.

Sa simula, makikita na nagso-solicit si Ariel sa mga sikat na artista, at mga politiko na rin. Humingi nga siya ng suporta, pinansiyal man, o endorsement, sa mga sikat na personalidad sa Pilipinas.

Ang bongga nga na bigla mong makikita sina Eddie Garcia, former Sen. Miriam Defensor Santiago, President Duterte, Sen. Bong Go, Sen. Manny Pacquiao, at pati na rin Sen. Bato dela Rosa na nu’ng mga panahon na nakaeksena ni Ariel ay ‘General’ pa.

Kaaliw rin na kapalit ng mga tulong na hinihingi niya ay nagbibigay siya ng token of appreciation, na kung ano-ano lang, na ikinatatawa talaga ng mga kausap niya.

Nakita ko rin sa pelikula sina Yorme Isko Moreno, Joey de Leon, Jose Manalo, Empoy Marquez, at marami pang iba.

Jasmine Trias napikon sa Pinoy comedian

Kaloka lang na habang ginagawa nila ang movie, dalawang beses na napasabak sa problema si Ariel. Ang isa nga ay nakulong silang dalawa ni Ariel, at ang isa ay nu’ng sinita na naman siya ng isang pulis sa tapat ng bahay ng kaibigan niya.

Hindi ko ikukuwento ang mga eksena, pero mapapaisip ka kung totoo ba talaga ‘yon, o scripted ba? May scene kasi na napikon si Jasmine Trias kay Ariel. May scene na parang nakipagtalik pa si Ariel sa isang Amerikana na ikagugulat niyo.

Anyway, sa bandang huli, ipinakita na nga ang sinapit ng pelikula. Si Ariel na nagmamakaawa kay Maverick na magparamdam na ito sa kanya.

Sa puntong ito, hindi na nga lumitaw pa si Maverick. At si Ariel, ramdam na ramdam mo ang frustration sa kanyang boses, mukha.

Tatamaan ka sa eksena sa dulo, na kung saan ay iniaalay nga nila ang pelikula para sa mga ‘struggling’ na mga alagad ng sining.

Sa mga nakaka-miss kina Ariel, Maverick, lalo na kay Mommy Elvie (nanay ni Ariel na nakakatawa talaga) ito na ang chance niyo para panoorin sila, balikan ang nakaraan.

Pero ‘yun na nga, sa bandang dulo, siguradong maluluha, malulungkot kayo, lalo na at kasabay pa ang tugtog ng “Ang Pipit”.

***

Ice Seguerra nag-concert, nagpaligaya

ng mga biktima ng lindol sa Mindanao

Gamitin sa mas makabuluhan, sa pagtulong sa kapwa, ang talentong ibinigay sa iyo ng Diyos. Ito nga ang mensaheng nasilip ko sa ginawa ni Ice Seguerra, na nag-perform, nagpaligaya siya ng mga biktima ng lindol sa Mindanao, nito lang Nov. 15.

Heto nga ang post ni FDCP Chair Liza Dino Seguerra:

“My husband at his HAPPIEST AGAIN.

“Ice has spent the last two days travelling all over North Cotabato para mag-reach out sa mga kababayan nating nabiktima ng lindol. Yesterday, they went to four evacuation centers sa may Kidapawan and six evacuation centers naman today para maghatid ng konting saya sa kanila by Ice singing for them. Bukas, Davao del Sur naman.

“Buhay na buhay sya pag nakakatulong sya sa mga kababayan nating displaced or nabiktima ng sakuna. We may not have monetary funds to give to them but through his sharing of his music and being ‘present’ — showing them that they are not alone sa mga pinagdadaanan nila at merong mga taong handang dumamay sa kanila, it relieves them somehow sa kung anumang ang pagsubok na kinakaharap nila sa kasalukuyan.

“I’m sorry love if hindi ako nakasama sa’yo this time. But please extend our love and prayers for them and remind them na nandito tayong lahat para dumamay sa kanila.

“Ingat ka dyan. I hope we can do some film showings there para kahit papano makatulong para maibsan ang lungkot nila — Ingat ka love. I am so proud of you and what you do. Padayon!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy