Una sa Balita

Eddie inagaw nina Dingdong, Dennis kay Richard

By
0 768

abante-anything-goes-jun-lalinNow it can be told, si Eddie Gutierrez ang gaganap na father nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes sa bagong primetime series ng GMA 7, ang Cain At Abel.

Noong Wednesday afternoon nga, nag-meeting na si Tito Eddie kasama ang mga direktor ng nasabing series, sina Direk Mark Reyes at Direk Don Michael Perez.

Tuwang-tuwa nga ang dalawa dahil makakatrabaho uli nila ang veteran actor.

Ilang series din kasi sa Kapuso network na kasama si Tito Eddie ang hinawakan ni Direk Mark at si Direk Don naman, first time niya bilang direktor ng mister ni Annabelle Rama, pero ilang series din naman na nakasama si Tito Eddie ang siya ang sumulat ng script.

Si Tito Eddie naman, natuwa na magtatrabaho na uli siya sa Siyete.

Nang dumating nga kami sa meeting, medyo nanibago raw siya dahil may scenic elevators na rin ang main building ng Kapuso network.

During the meeting, kung saan in-explain ang role niya kay Tito Eddie, natuwa ang aktor dahil very challenging ‘yon, pero hindi pa nga lang puwedeng idetalye dahil next week pa sila magsisimulang mag-taping.

***

Dina bagong babae ni Eddie

Sa kuwentuhan din sa meeting na ‘yon kung saan kasama rin ang isa sa lady bosses ng Siyete na si Ms. Cathy Ochoa-Perez, natanong si Tito Eddie tungkol sa kanyang knee operation noong May.

Naikuwento ni Tito Eddie na dapat ay after two months pa talaga siya makakapaglakad, pero dahil sa sipag niya na mag-physical therapy, napaaga ‘yon.

After 10 days lang daw, nakalakad na siya na walang tungkod.

“Minsan, paglabas ko sa room, nandoroon sina Chard, naka-cane pa ako, pero nagulat sila nang big­lang itapon ko ang cane sa tabi at nakita nila na kaya ko nang maglakad kahit wala no’n,” kuwento ni Tito Eddie.

Sa kasipagan nga sa pagpi-PT, nagawa na rin kaagad ni Tito Eddie ang makapag-swimming at ‘yung ilang taon din na pasakit sa kanya ng pagsakit ng tuhod ay wala na raw ngayon.

Fresh as new na nga uli ang Eduardo ni Bisaya at ready na uli na mag-taping.

Samantala, balik-tambalan din ni Tito Eddie ang Cain At Abel with Dina Bonnevie na nakasama na niya noon sa ilang mga proyekto. After nga ng finale episode mamaya ng The Blood Sisters niya sa ABS-CBN ay balik-Siyete na rin si Dina.

Pagkatapos nga pala ng meeting, winelcome back ng entertainment head na si Ms. Lilybeth Rasonable sa Kapuso network si Tito Eddie.

“It’s nice to be back!” sabi naman ni Tito Eddie.

***

Aktor tinawag na sinungaling, binantaan ng nanay ni ex-gf

Hindi nagustuhan ng pamilya ng ex-girlfriend ng isang aktor na may magtatapos na TV series na pati ito ay nadadamay pa sa publicity ng aktor.

Nabasa kasi ng pamilya ng ex-girlfriend ng aktor na nabanggit pa ito sa interview ng huli.

“Nakakapikon ang mga pinagsasasabi ni _______ (pangalan ng aktor) sa ____ (pangalan ng isang website), wala na kasing kasunod na project kaya ginagamit na naman niya ang pangalan ng anak ko.

“Napakasinungaling ng _______ na ‘yan. Nagpapaawa effect pa. Pinalalabas niya na hindi naiintindihan ng anak ko ‘yung trabaho niya. Kilabutan naman sana siya! Walang kalaban-laban ang anak ko sa mga sinasabi niya na puro kasinungalingan.

“Kung puwede lang sana, itigil na niya ang paulit-ulit niyang kasinungalingan at paggamit sa pangalan ng anak ko.

Tumigil na siya dahil wala na siyang pag-asang sumikat!

“Ingatan nila ‘yung sasabihin nila at ipo-post nila na masasaktan ang anak ko!”

‘Yan ang text message ng nanay ng non-showbiz ex-girlfriend ni aktor sa isang kaibigan ko.

Well…

***

Tagumpay ng Unli Life b-day gift kay Mother Lily

Malakas sa takilya ang Unli Life movie ni Vhong Navarro na prodyus ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Masayang-masaya nga raw si Vhong sa magandang balitang nakarating sa kanya tungkol sa pelikula nila ni Winwyn Marquez.

In fairness nga pala sa It’s Showtime, sobrang support sila sa Unli Life movie ni Vhong.

Noong Wednesday nga na opening day ng Unli Life bilang parte ng Pista ng Pelikulang Pilipino, sa opening­ pa lang ng nasabing noontime show, grabe na ang promo ng pelikula ni Vhong.

Pati nga si Vice Ganda, nag-ask sa viewers na i-support ang Unli Life ni Vhong, huh!

Anyway, advance birthday gift na rin para kay Mother Lily ang tagumpay sa takilya ng Unli Life dahil 80thbirthday na niya sa Sunday, huh!