Una sa Balita

Eddie game sa halikan kay Tony Mabesa

By
0 741

Hangang-hanga talaga kami kay Eddie Garcia sa pagiging isang professio­nal na aktor. Pakiramdam namin, wala nang makakahigit pa sa kanyang professionalism dahil ne­ver kaming naka­rinig na may reklamo sa kanya ang isang producer, director, o mga kapwa-artista.

Basta may eksenang dapat niyang gawin, basta kinakailangan talaga sa istorya ay gagawin niya.

Katulad nga sa pelikulang Rainbow’s Sunset na pang-Metro Manila Film Festival 2018 ng Heaven’s Best Entertainment Productions, kung itinuloy sana ni Direk Joel Lama­ngan yung sinasabing kissing scene nila ni Tony Mabesa ay willing naman daw siya.

Ayon nga kay Eddie, trabaho lang lahat ito. Kahit torrid pa, basta kailangan talaga at madya-justify ang eksena ay gagawin niya. Hindi niya ito tatanggihan.

Sa mga pahayag na niyang ito ay pinalakpakan siya ng mga invited press sa mediacon ng nasabing movie.

Anyway, isa nga ito sa aabangan sa darating na film festival lalo na dahil ang kuwento ng buhay pag-ibig ng mga LGBTQ+ ay isa sa makukulay na kuwento at ang Rainbow’s Sunset ay tumatakay sa senior moments ng dalawang beking nagmamahalan hanggang sa huling sandali. ‘Yun na!