Una sa Balita

Eddie, Annabelle dedma sa online, loyal sa ABANTE

By
0 2,002

Masasabing loyalista ng Abante ang pamilya Gutierrez! Ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama, araw-araw nagbabasa ng Abante dahil na rin karamihan sa showbiz writers ng tabloid na ito ay kaibigan niya.

Siyempre, ‘yung friendship nila ni Ka Alfie Lorenzo (SLN), ay hindi matatawaran, kaya naman simula nang mamayagpag sa Abante ang Troika nila nina Ka Billy Balbastro (SLN) at Ka Oskee Salazar (SLN), naging suki na rin si Bisaya ng tabloid na ito.

Kahit nasa Cebu si Bisaya, hindi pa rin niya nakakalimutang magpabili ng Abante. Kung busy man siya, madalas tumatawag pa siya sa kanilang bahay para sabihing itabi ang mga dyaryo dahil magbabasa siya pag-uwi niya.

May panahon din na hindi na sila magkakasama sa bahay nina Ruffa at Richard, pero nagpapabili pa rin si Bisaya ng additional copies ng Abante para ipadala sa bahay ng kanyang mga anak.

Sa tuwing dumadalaw rin ako sa bahay nila, madalas na nadadatnan ko si Tito Eddie Gutierrez na nagbabasa ng Abante.

Kung ang iba nga ay mahilig magbasa ng online edition ng mga dyaryo, sina Tito Eddie at Bisaya, mas gusto pa rin na nagpapabili ng kopya ng Abante.

Lovi, Rhian, Max serye malabong ma-extend

Sa May 18 na ang finale episode ng The One That Got Away at nang makakuwentuhan ko kahapon ang isang taga-GMA 7, sinabing matindi pala ang request ng viewers na i-extend pa ang romantic-comedy series na pinangungunahan nina Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos, at Dennis Trillo.

“May mga ganoong request, pero hindi na puwede. Last week pa kasi ina-announce na last three weeks na ng TOTGA!” sabi ng kausap ko.

Tama na raw ‘yung two weeks extension ng The One That Got Away na dapat ay nagtapos na talaga last Friday.

Baka raw kasi isipin naman ng iba na pinahahaba na lang ang series na ‘yon kung magdaragdag pa sila ng ilang weeks sa kanilang airing.

“Saka ang ibang mga artista rin kasi ng TOTGA, may kanya-kanyang commitments na rin, kaya malabo na!” dagdag pa ng a­ming kausap.

Saka ‘yung Inday Will Always Love You rin daw kasi nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ay handang-handa na rin at todo na rin ang promotions, kaya hindi na rin maganda kung paghihintayin pa ng matagal.

“Baka in the future, makaisip ang creative ng isang series na para ring TOTGA at same casting, malay n’yo!”

Well, posible!