Una sa Balita

EDCA GAMITIN SA AFP MODERNIZATION

By ,
0 204

Kailangang magamit ng Pilipinas ang Enhance Defense Coopera­tion Agreement (EDCA) na pinagtibay na ng Korte Suprema para sa mo­dernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang iginiit ni House deputy speaker­ Raneo Abu ng Batangas kasunod ng 9-4 decision ng Korte Suprema na nagbasura sa petisyon nina dating Sens. Rene Saguisag at Wigberto Tanada, at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para sa EDCA.

“EDCA should help us modernize our military hardware. The go­vernment should secure full support from the US government to uplift the capability not only of our AFP personnel, but also its armaments,” ayon kay Abu.

Ayon pa kay Abu, kailangang mapatunayan din ng Estados Unidos na kasangga talaga nito ang Pilipinas at ibigay ang mga kagamitang kaila­ngan ng Pilipinas tulad ng surveillance at fighter aircraft, war ship, patrol boats at iba pa.

Naniniwala naman si Bulacan Rep. Jose Antonio ‘Jonathan’ Sy-Alvarado na ang pagpapa­tibay ng SC sa EDCA ay malaking tulong para maproteksyunan ang soberenya ng Pilipinas.

Kaugnay nito, sini­guro ng Pilipinas sa Estados Unidos na ipapatupad agad ang kasunduan na nasasaad sa EDCA.

“I assured Secretary Kerry that we will pursue our planning process for the full implementation of EDCA,” sabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay sa gitna ng joint press confe­rence kay US Secretary of State John Kerry.

Ayon pa kay Yasay, walang magiging epekto ang EDCA sa nakaraang desisyon ng United Nations (UN) arbitral tribunal sa West Philippine Sea.

“EDCA has no direct bearing to the recent ru­ling of the arbitral tribunal. The position of the arbitral tribunal is a matter of concern between China and Philippines,” sabi ng kalihim.

Sinabi naman ni Kerry na sa pamamagitan ng EDCA ay mapapadali ang pagbibigay ng tulong ng US sa Pilipinas gaya ng pagmomordenisa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging sa pagpapadala ng tulong sa tuwing may kalamidad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy