Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Edad 11 pababa bawalan mangaroling

0 92

Hinimok ni Interior and local government Undersecretary for Barangay Martin Diño ang lahat ng mga punong barangay na gumawa ng mga rules pagdating sa house-to-house caroling sa panahon ng Kapaskuhan ng mga bata.

Sa panayam, sinabi ni Diño na dapat na makabuo ng kasunduan na nagbabawal sa mga bata na edad 5 hanggang 11 na sumali o mangaroling dahil wala pa itong mga bakuna laban sa COVID-19.

“Hinihikayat ko ang mga lider ng barangay na gumawa ng mga rules na nagbabawal sa mga bata na edad 5 hanggang 11 taong gulang na mangaro­ling dahil wala pa silang mga bakuna,” sinabi ni Diño.

Nilinaw rin ni Diño na ang kanyang itinutulak ay panukala pa lamang para maiwasan na magkaroon ng virus ang mga bata, sa likod na rin ng banta ng Omicorn variant.

Naunang pumayag ang Department of Health (DOH) sa caroling pero dapat ang mga fully vaccinated lang at naka-face mask. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.