Una sa Balita

Ed Sheeran ketchup binebenta ng P95K

0 272

Mapapa-wow ang sinuman sa presyo ng ketchup na dinisenyo batay sa mga tattoo ni British songwriter Ed Sheeran.

Ang tatlong limited-edition bottles ng Heinz Tomato Ketchup na may tattoos ni Sheeran ay binibenta sa London sa halagang 1,500 pounds o mahigit sa P95,000.

Nasa 150 piraso lang ang “Ed Sheeran X Heinz Tomato Ketchup, the Tattoo Edition” bottles ang available across the world.

Ayon sa Kraft Heinz director of corporate affairs na si Nigel Dickie, ito umano ay bilang paggunita sa 150th birthday ng Heinz.

Lahat umano ng pinagbentahan ng limited-edition bottles ay ido-donate sa East Anglia’s Children’s Hospices, isang charity na binoto ni ­Sheeran, at sa Rise Against Hunger, ng Heinz.

(Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy