Una sa Balita

Ecstacy gayuma ng aktres sa kelot 

By
0 975

Gaano kaya katotoo na ginagamit daw ng isang kilala at magaling na comedy artist ang ecstasy bilang pang-akit sa mga nais nitong makuhang lalaki?

Ang bulong kasi ng ating amuyong, eh easy lang kay comedy artist na makuha ang sinumang nais nitong maka-sex dahil gagamitan lamang niya ito ng naturang gamot.

Bukod pa siyem­pre ito sa perang iniaalok ng napakagaling na komedyanteng nagsimula sa mga co­medy bars.

Abante Hiring – IT dep

Masaya rin naman daw kasing kasama ang ating bida dahil sa kanyang Super Powers sa kanyang pag-aasikaso at pag­lalambing. (kaya nga ilan na rin ang sinasabing totoong nagmahal sa kanya sa kabila ng kanyang pagkatao).

Hindi nga lang matiyak ng ating amuyong kung pati itong ating bida ay gumagamit ng natu­rang droga kasabay ng kanyang makakapartner.

Si Comedy artist ay may G sa kanyang pangalan as in Grabe sa Kagandahan.