Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ECQ `di naramdaman epekto vs COVID – DILG

0 97

Hindi sapat ang dalawang linggong enhanced community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government.

“Almost two weeks na tayo pero `di pa natin ganap na nararamdaman `yong epekto nito so probably another week will be enough,” pahayag ni DILG Officer-In-Charge Bernardo Florece Jr. sa isang panayam sa radyo nitong Sabado.

SM food to go Banner Ad

Subalit nasa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases pa rin aniya kung palalawigin pa ang ECQ sa NCR Plus base na rin sa mga datos na ibibigay sa kanila.

Nitong Biyernes, Abril 9, ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 12,225 na mga bagong kaso ng COVID infection habang record high naman ang mga bagong nasawi na umabot sa 401 samantalang may 946 na gumaling.

Leave A Reply

Your email address will not be published.