Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ECQ ayuda kinurakot, pinasisilip sa DILG, COA

0 84

Dahil sa nabistong iregularidad sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) particular sa tinaguriang NCR Plus ay kinalampag ng isang mambabatas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ito.

Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, bawat sentimo ng P22.9 bilyon amelioration fund ay mahalaga kaya dapat ‘fully accounte­d for’ at sinumang umaabuso rito ay nararapat lamang parusahan.

“My office received inquiries and reports on questionable beneficiaries. This comes as no surprise, but clearly, the DSWD and the COA (Commission on Audit) should look into this,” ayon kay Nograles.

Ito’y isang indikasyon na libo-libo pang hindi kuwalipikado ang ang nasa DSWD’s amelioration list.

SM food to go Banner Ad

Samantala, nairita si Marikina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro sa ibinigay na palpak na data base ng DSWD kaugnay sa bilang ng mga residente na dapat mabigyan ng ayuda.

Nilinaw ni Mayor Teodoro na ang database na mula sa DSWD ay mali-mali at hindi kumpleto ang bilang ng mga karapat-dapat na mabigyan ng ayuda mula sa national government na kung saan maraming residente ang nabigyan ng P1,000 subalit maraming independent na kailangang suportahan kaya dapat ay nasa P4,000 ang makukuha.

“Maraming miyembro ng pamilya ang hindi naka-reflect sa data base at hindi nabigyan ng ayuda kaya ipinaimbestigahan ko at kino-correct na ayon sa mga samples na pinanggalingan,” ayon pa kay Teodoro.

“Halos lahat ng barangay namin ay maraming pagkukulang kaya idadagdag nitong darating na Linggo,” paliwanag ng alkalde. (Eralyn Prado/Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.