Una sa Balita

Economic sabotage itatapat sa mga nagwelgang trucker

By
0 312

NAGBABALA ang Department of Transportation (DOTr) na maaari nilang kasuhan ng economic sabotage ang mga trucker na lumahok sa welga upang iprotesta ang phaseout ng mga trak na higit 15 taon na sa kalsada.

“We will observe maximum tole­rance, but, in no way should there be traffic disruption or congestion.

Best interest of public and business must be prioritized and served,” diin ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa isang statement.

Binanggit ni Tugade na maituturing na economic sabotage ang pagharang sa operasyon ng ibang trucker na hindi kasali sa 6-day truck holiday na sini­mulan noong Lunes.

Tinatayang 40 personnel ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang ipinoste na sa Port Area upang siguruhin ang maayos na operasyon sa Pier, bunsod ng ulat na ilang trak ang nakabalagbag sa bukana ng Port Area sa R10 Road sa Tondo, Maynila.

Nagtataka ang DOTr kung bakit nagwelga ang ilang trucker ga­yong lumagda sila sa Memo­randum of Agreement sa Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) noong Mayo.

Sa nasabing kasunduan, puma­yag sila sa pag-inspeksyon ng mga trak, kabilang na ang higit 15 taon, sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS) upang mapahintulutan ang kanilang pagtakbo sa transition ­period mula Hunyo 30,2017 hanggang Hunyo 30,2020.

Nasa ika-apat na araw na ang welga ng Inland Haulers and Truckers Association. Ipinoprotesta nila ang phaseout ng mga lumang trak at ang congestion ng mga contai­ner sa Pier.

Inisnab ng grupong Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO) ang truck holiday dahil sa pagdududa sa tunay na agenda ng grupo ni Teddy Gervacio.

Duda ng ACTOO, gusto lang ng grupo ni Gervacio na makausap ang bagong Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Guerrero. Noong panahon ni dating BOC Comm. Isidro Lapeña, nanahimik umano ang grupong ito dahil dikit sila sa BOC chief.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy