Una sa Balita

Eco-friendly aircon ng Bicolana student popondohan ng $3M

0 683

DAHIL sa kanyang imbensyong airconditioner na hindi gumagamit ng kemikal na makasisira sa kalikasan, hina­ngaan at pinarangalan sa loob at labas ng bansa ang 20-anyos na estudyante na si Maria Yzabell Angel Palma.

Nasa Philippine Science High School Bicol campus noong 2016 at grade 10 pa lang si Palma nang maimbento nito ang AirDisc, na hindi gumagamit ng mga coolant na nakasisira sa ozone layer.

Dahil dito, tumanggap si Palma ng mga pagkilala mula sa iba’t ibang institusyon sa Korea, China, Taiwan, Britain at America.

Gayunman, ang pinakapangarap umano ni Palma ay magkaroon ng maramihang paggawa ng kanyang AirDisc at balak niya itong itayo sa kanyang hometown sa Camarines Sur.

Pero bago ito, kinakailangan umano niya ng $3 milyon para sa kanyang imbensyon.

Sa ngayon ani Palma sa isang panayam, nakikipag-usap na siya sa ilang foreign investor upang matupad ito at target na makagawa ng factory para sa kanyang imbensyon sa taong 2020.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy