Una sa Balita

Ebondo todo-barako, CEU sinilo ang LPU

By
0 712

Walang naipantapat ang Zark’s Burger-Lyceum kay CEU big man Rod Ebondo Martes ng gabi sa Marikina Sports Center.

Maagang nawala si Jawbreakers import Mike Nzeusseu dahil sa sprain sa first quarter pa lang, kahit si CJ Perez at ang Marcelino twins na sina JV at JC ay walang nagawa sa pagwawala ni Ebondo.

Nambarako ang 6-foot-6 Congolese ng 33 points, 20 rebounds para ihatid ang CEU Scorpions sa 91-85 panalo laban sa Jawbreakers.

Nanatiling walang talo ang CEU sa tatlong laro sa PBA D-League Aspirants Cup. Naputol ang four-game win streak ng Lyceum at nalaglag sa 4-2.

“We’re so happy dahil nanalo kami against LPU,” bulalas ni Scorpions coach Yong Garcia.

Maganda pa ang suporta na nakuha ni Ebondo mula sa mga kakampi, nagtulungan sa pagkasa ng 7-1 run sa dulo para ipreserba ang panalo.

Huling itinabla ng 3-pointer ni Perez ang iskor sa 84 mahigit 3 mi­nutes sa laro pero hindi na ulit nakakuha ng basket ang Jawbreakers.

May 18 points si Art Aquino sa CEU, kasama ang pang-agaw lead na layup 86-84 na nagsindi sa finishing kick. Tumapos si Orlan Wamar ng nine points, huli ang three-point play 25 seconds na lang na nagselyo sa panalo.

Nagsumite si Perez ng 17 points, may 15 si JC Marcelino at 10 sa kakambal na si JV. (Vladi Eduarte)