Una sa Balita

Ebondo naghuramentado para sa CEU

0 1,200

Nagwala si Rod Ebondo para balikatin ang CEU Scorpions sa dambuhalang 105-88 win laban sa Che’Lu Bar&Grill-San Sebastian sa D-League Aspirants Cup sa Pasig Sports Center nitong Martes.

Walang nakapigil kay Ebondo sa pagsalansan ng halos triple-double na 28 points, 23 rebounds, eight blocks para ihatid ang Scorpions sa pangalawang panalo sa gayung dami ng laro.

Nalaglag naman sa 2-2 ang Revellers na hindi nasamantala ang 21 turnovers ng CEU.

“Ebondo played his A-game,” papuri ni CEU coach Yong Garcia sa kanyang slotman.

Sa ganda ng inilaro ni Ebondo, nahawa na rin pati mga kakampi.

Sumawsaw si Orlan Wamar ng 18 points, may tig-14 pa sina Rich Guinitaran at Judel Fuentes.

Huling dumikit sa 64-57 ang Che’Lu sa third, pero nagkasa ng 13-4 run ang Scorpions sa pangunguna pa rin ni Ebondo para muling lumayo, at nagtuluy-tuloy na hanggang dulo.