Una sa Balita

Ebarle, Alforque ng CSB binuhay pa ang serye!

By
0 1,001

Inungusan ng College of St. Benilde ang Arellano University sa penalty shootout upang ilista ang 4-3 panalo at itabla ang serye sa best-of-three finals ng 93rd NCAA senior football tournament sa Rizal Memorial Track-Oval pitch Lunes ng gabi.

Bumira si Major Dean Ebarle ng equalizing goal sa second half habang si Moiselle Angelo Alforque ang nagtala ng panelyong puntos upang makapuwersa ang CSB na do-or-die Game 3.

Mamayang ala-6 ng gabi ang bakbakan ng CSB at AU sa parehong lugar.

Ganadong sinimulan ng Chiefs ang Game 2 dahil sa pagbabalik ni national under-23 standout Roberto Corsame, Jr. matapos ang Game One suspension, hinawakan nila ang bandera sa sinalpak ni Cyrus Sanquilos na goal sa seventh minute.

Pero hindi nagpadaig ang CSB, lumaban ng sabayan upang humaba pa ang kanilang buhay at manatiling may tsansa sa asam na titulo.

“I told the players at halftime that if we score the equalizer in the second half, we’ll win this. And we did,” saad ni CSB coach Marlon Maro.