Una sa Balita

EB studio dinumog ng libong mga fan dahil kay Maine

By
0 4,853

Bumaha ng pagbati kay Maine Mendoza sa Twitter kahapon kaugnay ng kanyang 23rd birthday. As of this writing, number 2 sa trending topic ang hashtag #NicomaineAt23 na halos 600k ang tweets, huh!

Hindi lang fans sa Pilipinas ang bumati kay Meng, huh! Nariyan din ang followers niya sa iba’t ibang panig ng mundo gaya sa Florida, USA, Sweden at iba pa.

May paandar na pagbati si Joey de Leon sa kanyang Instagram para sa Phenomenal Star.

“Isang MAINE-T na mainit na pagbati ngayon ng HAI-PPY Brithday! SAYO NARA-RAPAT itawag Wonder Womenggay! @mainedcm.”

Sa Broadway Centrum, maagang sumugod ang mga tao na karamihan ay nakasuot ng kulay dilaw na damit na waiting sa kanya. May pa-cake pa ‘yung iba, huh!

Jessica Soho nominado sa NY Festivals Television & Film Awards

Nangabog na naman si Jessica Soho sa bagong nominasyong nakuha. Siya ang kauna-una­hang Filipino news anchor finalist sa New York Festivals Television & Film Awards ayon sa report sa Twitter ng GMA Entertainment.

Nasa short list si Jessica sa Best News Anchor category para sa GMA News TV program na State of the Nation with Jessica Soho.

Sa totoo lang, ang Kapuso host ang most awarded broadcast journalist na may halos 300 local awards at mahigit 30 international awards.

Siya rin ang kauna-unahang Filipina na nakatanggap ng George Foster Pabody award para sa documentary na ginawa niya sa illegal na bentahan ng kidney ng tao.

Congratulations, Jessica and good luck!