Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

#EatShowtime: Maine, Vhong pasabog ang tandem

0 270

Ang daming nabulabog sa bagong socmed post ni Vhong Navarro na kasama niya si Maine Mendoza. Kasi nga naman, magkalaban ang kanilang mga show na Eat Bulaga at It’s Showtime, at heto ngayon magkasama sila sa isang frame.

At super nag-enjoy nga si Vhong na makatrabaho si Maine.

“Masaya at magaan katrabaho! Nice working with you @mainedcm #Soon #Blessing #EatShowtime,” sabi pa ni Vhong.

Siyempre, kung ano-ano na ang pumasok sa isip ng mga tagahanga. Nandiyang biro nila na sino ba ang lumipat sa dalawa?
“Kapuso ka na brod?” sabi ni Russel.

“Yay lods, gandang tandem if ever same kwela sa comedy,” sey naman ni Cez.

“Lumipat na si Vhong sa Eat Bulaga. Char,” chika naman ni Kim.

“I really love maine mendoza. Pqrang wala siyang kaartehan very pure siya,” sambit naman ni John.

“Lipat na c Maine sa It’s Showtime?” hirit pa ni Sam.

Well, kanya-kanyang hula na rin ang mga fan sa produkto na magkasamang ini-endorse ng dalawa.

May humula na isa itong detergent bar, may nagsabi na isa itong vitamin c, may nagsabi na isang brand ng ice cream, may nagsabi na telecommunication company, may humula na online selling app ito.

Dahil nga sa kulay na suot nila na orange/red, kaya puwede mo ngang isipin na isa sa mga yan ang in-endorse nila. At mukhang may tumama naman sa hula.

Well, hayaan na lang natin na sina Vhong at Maine ang maglantad ng produktong ini-endorse nila. Lalabas din naman ang commercial nila.

Well, ang dami nan gang pagbabago sa mundo ngayon. Dati-rati, sobrang imposible na mapagsama mo sa isang proyekto ang mga magkaribal na programa tulad ng Eat Bulaga at It’s Showtime.

Hindi mo makikitang magkasama sa pelikula, o commercial man lang, sina Vic Sotto at Vice Ganda. Para bang sanay na sanay na sila na tuwing Metro Manila Film Festival ay magkalaban sila.

Malabo ring mapagsama noon sina Anne Curtis at Alden Richards. Kunsabagay, mas bagay kasi sina Alden at Jasmine Curtis Smith, di ba?

At kahit noong kainitan ng noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN, mas bet ng mga fan na makitang nagtatalakan sila ni Joey de Leon, kesa magkasundo sila.

Pero ngayon, parang lahat ng imposible ay nagiging posible. At siyempre, ang mga fan ang mas masaya.

Darna, Cardo magkakampi sa bakbakan

Lokang-loka na ang mga fan sa kuwento ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, ha! Kasi nga, pabago-bago ang pangyayari, na ang magkaaway, nagiging magkakampi.

Tulad nga sa eksena nina Coco Martin at Jane de Leon, na dati ay magkalaban. Na ginawa pa ngang bihag ni Cardo Dalisay ang karakter ni Jane na si Lea.

Pinalabas na nga kagabi na tuluyan nang pinakawalan ni Cardo si Lea, at nagkampihan na nga sila sa paglaban sa mga kaaway. Sabay na nakikipagbarilan sina Coco at Jane sa mga kalaban nila.

Bongga, di ba?

At mukhang bet naman ng mga fan nila, at katunayan, kung ano-ano na ang naiisip nila. Sana raw ang sinabi na lang ni Jane kay Coco ay, ‘Cardo ang bato!’ sabay sigaw ng Darna.

Ang bilis-bilis din maka-move on ng mga fan, ha! Kung noon, halos makipagpatayan sila sa tandem nina Coco at Yassi Pressman (CocoYass), ngayon ay ang CocoJane naman ang pinu-push nila.

Mababasa mo nga na ang daming humihiling n asana ay hanggang dulo na si Jane, at siya na ang makatuluyan ni Cardo sa bandang wakas.
Well…

Leave A Reply

Your email address will not be published.