Una sa Balita

Eat Bulaga vs Showtime: Pag-ibig, sakripisyo, pasasalamat sa Semana Santa

0 5,129

Tatlong araw na bakbakan ngayong Semana Santa ang magaganap sa tanghaling tapat. Eat Bulaga vs. It’s Showtime.

Nakasanayan na nga na kapag Holy Week ay puro makabuluhang drama ang pinalalabas sa tanghali ng dalawang magkalabang programa. Pero ngayon, ang Eat Bulaga lang ang sumunod sa tradisyon, at ang Showtime ay panibagong hamon ang sinubukang gawin.

Ang Showtime ay magpo-focus sa iba’t ibang inspiring na kuwento ng mga Kapamilya. Ito rin ay daan para pasalamatan ang Diyos dahil sa mga biyayang patuloy na bumubuhos sa mga Kapamilya sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay.

Sa bawat episode nila ay may iba’t ibang istoryang aantig sa damdamin at magbibigay ng inspirasyon sa mga manonood. Masusubukan din ng mga host na maranasan ang buhay ng mga nakaka-inspire na madlang people at magbibigay ng kanilang reflections mula sa kanilang karanasan.

Anim na kuwento naman ang handog ng Eat, Bulaga! ngayong Semana Santa. Patuloy nga ang pagbibigay nila ng de-kalidad na programa sa telebisyon, na kuwento ng pag-ibig, pag-asa at katuparan.

Sa Showtime ay sasabak sa isang immersion sina Billy Crawford, Karylle, Jugs at Teddy. Makakasama nila ang mga senior citizen na hashtag relationship goals, na kahit sa edad nila nga­yon, nagtitinda pa rin para matustusan ang mga pangangailangan nila.

Mararanasan ng mga host na sina Karylle, Billy, Jugz, Teddy na magbenta ng sibuyas at bawang sa palengke.

Tatapatan naman sila ng My Carinderia Girl nina Ruby Rodriguez at Kenneth Medrano, na kuwento ng isang matandang dalaga na umibig sa isang binata. Kasama rin dito sina Pauleen Luna, Luane Dy, Sinon Loresca, Tommy Penaflor at Kim Last. Ka-back-to-back nila ang Haligi ng Pangarap nina Alden Richards, Sen. Tito Sotto, Joey de Leon at Tirso Cruz III. Kuwento ito ng ama at ang kanyang sakripisyo, pag-ibig at pananampalataya sa kanyang anak.

Sa March 27 (Holy Tuesday) naman ay sasabak sa paglalako sa tindahan sina Anne Curtis at Amy Perez. Kuwento naman ito ng pagsasakripisyo ng isang kuya para sa kanyang mga kapatid at ng kanilang lola na nagsilbing nanay sa kanila.

Magsisilbing inspirasyon sa mga Kapamilya na handang magsakripisyo at pursige alang-alang sa pamilya. Sa murang edad ni Carlos, naranasan na niyang magtrabaho para sa magkapatid at naglalako ng basahan sa kalsada. Si Nanay Maring naman ay sinalo ang pagiging magulang sa limang apo at tinuring nang mga anak ito.

Ganiyan nga rin ang gagawin nina Tiyang Amy at Anne.

Sa Eat Bulaga naman ay sina Ryzza Mae Dizon at Nora Aunor ang magpapaiyak sa kuwento ng A Daughter’s Love sa Marso 27. Mula ito sa direksiyon ni Ricky Davao, na kuwento ng isang nagluluksang ina na dadaan sa matinding depresyon. Gagawin ng kanyang anak ang lahat upang malagpasan ng kanilang pamilya ang mga unos ng buhay.

Kasunod nito ang Pamilya, na kuwento ng isang anak na nagbalik-loob sa kanyang pamilya. Bida rito sina Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Jake Ejercito, Baste at Ronaldo Valdez.

Sa March 28 (Holy Wednesday) naman ay may espesyal na reunion ang isang pamilya sa It’s Showtime – si Willy, na makikita ulit ang kanyang ina sa unang pagkakataon mula noong 2007 at unang makikita ang kanyang mga kapatid.

Ihahandog ang kuwento ng isang matapang na bumbero na hanggang isakripisyo para sa kapwa.

At sa Eat Bulaga naman ay bibida sina Jose Manalo at Wally Bayola sa Hating Kapatid, isang storya ng pagsasakripisyo sa ngalan ng pagkakaibigan.

At magtatapos ang Lenten Special sa kuwento ng Taray ni Tatay nina Vic Sotto at Maine Mendoza kasama na sina Allan K, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Rita Avila, at ang espesyal na pagganap ni Kendoll (Tenten). Kuwento ito ng isang single father at ang mga lihim na kanyang itinago sa kanyang unica hija.

Anyway, sa mga ganitong panahon, pansamantala ngang isinasaisantabi ang kumpetisyon, dahil ang magkabilang kampo ay mas nakatuon sa kung paano sila makapagbibigay ng magandang impluwensiya sa mga manonood.

Matt Ranillo III patuloy sa pagganap na Kristo

Tuwing sasapit ang Holy Week, marami ang nag-aabang sa mga Senakulo or passion plays na ginagawa ng ilang mga celebrities bilang panata nila sa kanilang sarili.

May ilang aktor naman na pumapayag na gumanap sa mga projects para sa Semana Santa dahil paraan nila ito para magpasalamat sa mga biyaya na natanggap nila.

Kabilang sa mga aktor na hindi nagsasawa na gumanap bilang si Hesus sa pelikula man o sa mga passion plays ay si Matt Ranillo III.

Nagsimula si Matt bilang screen heartthrob noong late ‘70s at lumabas sa mga pelikulang Sinong Kapiling? Sinong Kasiping?, Dalawang Pugad, Isang Ibon, Salawahan, Masarap, Masakit ang Umibig at marami pang iba.

Noong early ‘90s pa gumaganap si Matt bilang Jesus Christ sa passion plays ng Cultural Center of the Philippines tuwing Semana Santa. Dahil sa kanyang maamong mukha, bagay na bagay siya sa papel na Kristo.

Noong 1996, si Matt ang nagbida sa pelikulang Kristo kunsaan nakasama niya ang maraming artista na gumaganap sa iba’t ibang Biblical characters.

Hanggang ngayon daw ay gumaganap pa rin bilang Kristo si Matt kahit nasa ibang bansa na ito.

“I still play Kristo but now in an actual play. When I moved here in the U.S. in 2010, I’ve started doing stage plays with my brother Dandin Ranillo. He directs and co-produces them,” sey ni Matt.

Gumanap sa play na Kristo si Matt mula 2010 hanggang 2013, pero binuhay nila ito ulit noong 2016. Nakasama pa niya sa senakulo na ito ay sina Vivian Foz as Virgin Mary at Joji Isla as Peter.

Sa Maynila, inaabangan tuwing Semana Santa ang Lenten musical na Martir Sa Golgota na sinimulan ng aktor na si Lou Veloso sa Tanghalang Sta. Ana hanggang sa maging malaking production na ito sa ilalim ng Manila Mobile Theater.

Kabilang sa mga gumanap na Kristo sa naturang Lenten production ay ang singer na si Lance Raymundo, ‘90s teen actor Jao Mapa at ang indie actor-turned-director na si Perry Escano.

Hindi raw nagdalawang-isip si Lance na gampanan ang role na Kristo dahil sa milagrong nangyari sa buhay niya. Kung matatandaan ay nagkaroon ng freak accident si Lance sa gym ng bumagsak ang isang 80-pound barbell sa mukha niya.

Si Jao Mapa naman ay galing sa religious na pamilya at ang pagganap niya bilang Kristo ay isa sa mga roles na hindi niya kayang tanggihan.

“I believe that we have to insert some commentary, otherwise, Christ’s death would have been in vain. We have integrated topics on family, drugs, abortion, peace and order. But we’re still trying to be as close to the traditional portrayal of the Passion as possible,” diin pa ni Jao.

Ang indie actor na si Perry Escano naman ay naging pa­nata na sa sarili ang pagganap bilang Kristo.

“It has become my yearly vow. This is my own little way of thanking God for all the blessings I received from Him.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More