Una sa Balita

‘Eat Bulaga’ solid Kapuso

By
0 1,269

Maaga pa lang ay gising na kahapon ang lahat ng host ng “Eat Bulaga,” sa pa­ngunguna siyempre nina Vic Sotto, Joey de Leon, at Senate President Tito Sotto.

Kasi nga, mahalagang araw ‘yon kahapon, dahil muli ay pinatunayan nilang Kapuso pa rin sila. Muli ngang pumirma ng kontrata ang “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Kasama ngang pumirma ng kontrata nina Mr. Tony Tuviera, Malou Choa Fagar, si GMA boss Atty. Felipe Gozon. At in full force nga ang lahat ng “Eat Bulaga” host, tulad nina Alden Richards, Maine Mendoza, Allan K., Jimmy Santos, Anjo Yllana, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Jose Manalo, Ryza Mae Dizon, Pauleen Luna, Pia Guanio, Baeby Baste at Ruby Rodriguez.

Heto ang Instagram post ng “Eat Bulaga”:

“Hangga’t may bata may Eat Bulaga!

“Madaming tanghalian pa tayong pagsasamahan mga Dabarkads!

“Ang buong EB Dabarkads sumugod sa GMA para sa contract signing.”

Siyempre, tuwang-tuwa ang mga solid Dabarkads, at solid Kapuso, na mananatili pa rin sa GMA 7 ang paborito nilang noontime show.

candy7289: “Hanggat may OFW’s at migrant from all over the world may nanonood ng Eat Bulaga ❤️❤️❤️??? sana po live everyday”

estevesrowena: “Ang pagkaka-iba ng EB sa ibang noontime show ay kahit absent ang mga main host ay masaya at kakatawa pa rin ang program samantalang sa ibang show kapag absent ang main host ay dumadausdos na ang batuhan ng jokes nila…”

maryiacryistyiia: “Salamat eat bulaga sa binibigay yung saya t pagi2ng totoo sa pag bi2gay saya sa mga tao,gob bless eat bulaga.”
Bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy