Una sa Balita

Eat Bulaga, ipinatawag ng MTRCB!

By
0 142

Ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng Eat Bulaga, matapos umani ng komento mula sa netizens ang ilan sa kanilang hosts.

Sa isang memorandum, pinuna ni MTRCB chairperson Eugenio Villareal ang sinabi ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III sa kanilang programa nu’ng July 9 na sinasabing naging insensitive daw sa mga kababaihan.

Ang tinutukoy ni Villareal ay ang naging sagot ni Sotto sa nanalo sa kanilang segment na Juan For All, All for Juan na ibinahagi ang kanyang karanasan nu’ng siya ay ‘mapagsamantalahan’ daw ng kaibigan ng kanyang asawa nu’ng siya ay nalasing.

Sinabi kasi ni Sotto na, “Kababae mong tao, pa-shot shot ka?” Sinundan pa ito ng tanong ng co-host niya na si Jose Manalo na, “Ano ang suot mo? Naka-shorts ka, ‘no?”

Ayon pa sa memo ng MTRCB, ito ay dahil may classification na PG o ‘Parental Guidance’ ang kanilang programa na pinapayagan ang panonood ng mga bata, at ang insidente ay sumagi sa gender sensitivity law sa ilalim ng Republic Act 9710.

Itinakda ng MTRCB ang conference sa July 21 na gaganapin sa kanilang Adjudication room.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More