Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Easy Landing humarurot

0 105

WALANG kahirap-hirap na inangkin ni Easy Landing ang panalo sa Philippine Racing Commission (Philracom) Rating Based Handicapping System nitong Linggo ng hapon sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Hinayaan muna ni Easy Landing na mauna sa largahan si My Only Treasure, pumuwesto sa segundo sakay si star jockey Jeffrill Tagulao Zarate. Papasok ng far turn, lumapit na siya at kinuha ang bandera kahit nakasabay si Bebang sa pag-usad.

Nanatili ang tikas ng winning horse, hindi pinansin ang mga kalaban, saka lumayo sa rektahan upang sikwatin ang magaan na panalo.

“Napakahusay naman ng ipinakita ni Easy Landing, talagang easy lang nanalo pati si jockey Jeff (Zarate) easy lang din sa pagdadala,” ani Bernie Cortez, isang karera veteran.

Pinoste nang nagwaging kabayo ang 1:26.6 sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa horse owner ang P5,000 added prize.

Sumegundo si Speak Easy, tersero si Bebang habang pumang-apat si Winning Move sa event na suportado ng Phiracom. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.