Una sa Balita

Easy format sa LPC Anniv. derby

0 425

APAT na linggo na lang ang hinihintay para sa “30th “LPC Anniversary 5-Stag Derby” ng Las Piñas Coliseum sa Sept. 10, 12 at 15.

Dahil sa madaling 5-stag format (guaranteed prize na P850,000 at entry fee na P11,000), mas maraming smalltime cocker ang makakasali sa tatlong araw na paderbi ni Mayor Nene Aguilar.

Bitaw ang elimination rounds (2-stag) sa Sept. 10 at 12 habang ang 3-stag finals ay sa Sept. 15.

Ang premyo: champion/s, P500,000; any four points, P280,000; handler, P50,000 at gaffer, P20,000.

Mga locally-banded stags ng International Fede­ration of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB, Inc.-Digmaan).

Pinagbigyan ng LPC ang “BNTV 9-Stag Derby” finals sa Aug. 29 na maging unang stagfest ng sabungan dahil sa inaasahang 120 sultada nito.

“Participants mostly from Cavite with 2, 2.5, 3, 3.5 and 4 points will compete,” ani host Joey Sy. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy