Una sa Balita

Hitting Spree bawi kay Viva Morena

0 230

LIMANG malulupit na pang-stakes race ang mag-uunahan sa 11th “Mayor Ramon D. Bagatsing Sr.” (Challenge of Champions­ Cup) sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Muling magkikita sa pista sina Viva Morena at Hitting Spree, may distansyang 1,750 metro ang tatakbuhin.

Pagkakataon ni Hitting Spree na makabawi kay Viva Morena paglarga ng karera sa Race 4 kung saan nakalaan ang gua­ranteed prize na P1M mula sa isponsor na Resorts World Manila.

Nakaraang buwan ay sinilat ni Viva Morena si Hitting Spree nang maglaban sa sila sa “Four-Year-Old & Above Stakes Race”.

“Sa tingin ko pinag-aralan nila yung pagkatalo nila kaya sigurado may ibang diskarteng gagawin kay Hitting Spree kaya dyan ako lalagay,” saad ni Alfred Vera, karera veteran.

Mananatiling si Dan Camañero ang hinete ni Viva Morena habang si JA Guce na ang rerenda kay Hitting Spree.

Ang ibang kalahok ay sina Certain To Win, Pangalusian Island at Und Kantar. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy