Una sa Balita

Easy basketball kay Perez

By
0 16

Mahalagang papel ang ginagampanan ni CJ Perez kaya lumalapit ang Lyceum sa pag-ukit ng historic elimination round sweep sa NCAA Season 93 basketball tournament.

Sa loob ng tatlong linggo, kapansin-pansin kay Perez na masyadong madali sa kanya ang basketball.

Nagtala si Perez ng 10 sa kanyang 24 points sa final seven minutes para tulungan ang Pirates na kalusin ang Letran 81-69 noong Biyernes at ilista ang matamis na 16 na panalo.

“Palagi kaming nag-uusap na enjoy lang namin ‘yung laro at lakasan ang depensa kaya siguro madali sa amin ang maglaro,” saad ni Perez. “‘Pag may nagkakamali usap lang kami.”

Dalawang panalo na lang at diretso na ang Intramuros-based squad sa championship round bitbit ang thrice-to-beat advantage.

Dahil sa kanyang matikas na performance, muli siyang tinanghal na Chooks to Go NCAA Press Corps Player of the Week Award. 

“Conscious siya ‘pag nagkamali. He knows na nagkamali siya. One thing I like about him, and I always try to brag about my coaches in Alaska, he will never blame ‘yung kasama,” papuri ni coach Topex Robinson sa kanyang kamador.

“Hindi siya ‘yung, ‘pag hindi pinasahan magagalit. He knows that kumbaga, he knows (he needs) the support of everyone,”