Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

EastWest Bank pahirap sa mga customer

0 1,171

Dusa ang ilang kliyente EastWest Bank dahil mahigit dalawang linggo nang hindi tinatanggap ng South Supermarket ang debit card ng mga Gotianun.

Sa South Supermarket Filinvest Alabang ay may nakapaskil na advisory sa mga kahera na hindi nito tinatanggap ang EastWest Debit Card noon pang Nobyembre 24.

Hindi naman masabi ng mga kahera kung ano ang problema sa debit card ng EastWest Bank dahil hinihintay lang nila ang advise kung makakapagproseso sila ng transaksiyon.

Kahapon ay inireklamo naman ng netizen na si Cha Cabanero ang credit card ng EastWest Bank.

“Hello, under maintenance po ba kayo ngayon? Hindi ko kasi magamit ang credit card ko thru online transactions? Thank you po,” sabi ni Cabanero.

Tanong naman ni Joefferson Jorduela sa EastWest Bank, “Bakit bigla po nag-deactive ‘yung online banking ko?”

Si Jr. Calawagan Rodolfo naman ay tatlong linggo nang naghihintay ang suweldo niyang makapasok sa ATM.

“‘Yung agency ko po hindi pa makapag-load sa ATM ko. Hindi sila makapagbigay ng sahod ko meron po bang ganyan 3 weeks na po sakin ang ATM ko. Pasagot naman po salamat,” sabi niya.

Si Joemari Hopolar @HoplorJoemari ay nababahala namang maputulan ng kuryente dahil dinebit ng EastWest Bank ang kanyang account pero hindi naman nabayaran ang kaukulang bill.

“Anu update po regarding sa debit. Mapuputulan na po kasi kami ng kur­yente mga ilang araw po ba bago ma claim ulit ung pera thank you,” tweet niya sa East West Bank.

Tinanong ng Abante ang EastWest Bank sa official Facebook page nito tungkol sa reklamo sa debit cards at credit card ngunit wala umano itong alam sa nangyayari. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.