Una sa Balita

Eastern Samar niyanig ng Magnitude 5.1

0 310

Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Eastern Samar nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig ala-1:31 ng hapon, sa 33 kilometro southwest ng Guiuan,­ Eastern Samar.

May lalim itong tatlong kilometro at tectonic­ ang origin.

Walang inaasahang aftershock sa lindol kung saan naramdaman ang Intensity IV sa Borongan City; Intensity III sa Palo, Leyte at San Fernando, Southern Leyte; Intensity II sa Surigao City at Intensity I sa Ormoc City; Gingog City.

Samantala, alas-1:38 ng hapon o pitong minuto lamang na pagitan ay naranasan din ang 4.1 magnitude na lindol sa Columbio, Sultan Kudarat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy