Una sa Balita

Eastern Asia chess: Concio lider pa

0 283

Nagtala ng back-to-back draws si Michael Concio Jr. upang manatili sa tuktok tapos ng seventh­ round ng Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships 2019 Sabado ng hapon sa First Asia Institute of Technology and Humanities College sa Tanauan City.

Nakipaghatian ang 2019 Batang Pinoy national championships­ gold medalist sa kababayang si Eric Labog upang ilista ang anim na puntos papasok ng eighth at penultimate round ng kompetisyon.

Dalawang laro na lang at masisilo ni Concio ang inaasam na korona sa event na ipinatutupad ang nine rounds Swiss system.

Solo sa pangalawang puwesto ang isa pang bet ng bansa na si International Master John Marvin Miciano na may 5.5 pts. nang kalusin si reigning National Junior champion National Master Jeth Romy Morado.

Si Miciano ang nakaharap ni Concio sa round six na nauwi rin sa draw.(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy